When Iskwater Meets EssayniPayoyo

Isinumpa ko sa bawat sulok ng aking eskinita ang pagbibigay-pugay sa ilang mga hinahangaang blogero.

Sa bilis ng takbo ng panahon, hindi ko namalayang ikapitong idolo na pala ang aking itinatampok ngayong buwan ng Hunyo. 

Halina't samahan niyo akong kilalanin ang natatanging babaeng may bayag. May angas at tunay na pangahas ang hambalos ng kanyang panitik. Walang pagkukunwari at may pinanghuhugutan kaya naman wagas ang aking respeto at paghanga sa binibining ito. Not to mention, ang ganda niya mga parekoy! Artistahin! Naks!


Full Name:
'Wag na. 'Wag na full name, hahaha! Kilala ako ng lahat at ng Google bilang si Essa Pajarillo. EssayniPayoyo sa blogosperyo. Pero yung nakalagay sa Birth Certificate, punyeta, 'wag na (Ayy teka, okay lang bang magmura?)
Age:
22 
Sex:
Babae
Location:
Quezon City
Civil Status:
(at FB status) Single NA *sabay hikbi*
FB E-mail Address:
Di ko maalala anong email yung nandoon, kaya pakitipa na lamang ang “Essa Pajarillo” sa search box
Twitter Account:
@essablurtsout

 --- o 0 o ---
Ihanda na ang San Mig Light... Mahaba-habang inuman/kwentuhan... 

Kumusta ka naman?
Sakto lang, Sir. Kape kape, yosi yosi, muni-muni. Sakto lang.

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
'Di ba obvious sa unang email ko sa’yo? Kinabahan ako. Naisip ko agad kung bakit ako eh andami mong sikat na kakilala. Ilang taon na nga rin akong nagba-blog pero kasi itong pagpapa-interbyu eh isang hakbang palabas ng pagiging anonymous (para namang anonymous ako eh noh) at palabas ng maliit na sulok ko sa blogosperyo. Gawa nang inaagiw at inaalikabok na ang lungga ko, at kakabalik ko pa lamang mula sa ilang buwang pakikipagsapalaran sa isang magastos at masakit sa bangs na larong nagngangalang “REYALIDAD”, magandang simula na muli siguro ito upang ipangalandakan na buhay na ulit ako.

Why EssayniPayoyo?
Mga nickname na na-accumulate ko sa kabuuan ng buhay ko. 'Yung “Payoyo”, 'pag bulol kasi ang bata, Payoyo ang pagkakasabi ng last name ko.

What’s with the blog name, “Babae Pala si Satanas”?
Ah, 'yon? Nasa profile ko na ang kuwento. Appropriate bilang title ng blog kong walang laman kundi rants, mga naiisip ko sa araw-araw, mga hinuhugot kong lamang-loob at ipinapaihaw sa mambabasa. Wala kasi akong balak magkunwari sa blog. No holds barred ba.

When did you start blogging?
Tagal na. 2007 pa yata. Sa Myspace. Tas napunta sa Multiply. Tas kasabay noon sa Friendster. Tas nagkaroon ng seryosohang blog noong 2010 sa Wordpress.

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Nung una, napilitan lang ako mag-blog. Sa panahon kung kailan tipa ka na lamang ng tipa, ang sakit na sa kamay na magsusulat ka ng ga-pahinang mga rants mo sa mundo at sa leche mong lablayp. Sinimulan ko magpaskil sa Wordpress noon kasi naubos na ang pahina ng ika-lima kong Moleskin (nakanan!) na journal. Sabi ko wala pa akong pambili ng bago, kaya ayun, napuntang online.
 
Nung nakapagpost na ako ng iilan, may mga nagkokomento na. 'Yung mga tipo pa ng komento na pinag-isipan at mukhang binasa talaga nila yung mga pinagpapaskil ko. Hindi ko pinangarap na may magbabasa ng mga posts ko, bonus na lang iyon, pero 'yung may mag-aabalang magbasa ng gawa mo at mag-iisip ng matinong komento rito, ang nakapagpa-“Hala sige, panindigan mo na yan, Essa” sa akin. Ngayon, kahit walang sense na komento, naa-appreciate ko kasi yung ultimong pagdaan sa lungga ko eh malaki nang bonus iyon. Ang pag-a-abala mong pagsilip at agarang pag-exit sa blog ko ay gantimpala na. Nagba-blog ako para sa sarili ko, pero mas na-i-inspire akong magpaskil kapag nakikita kong may nagkakamali ng click na link at naliligaw sa blog ko.

Among all your posts, ano ang iyong most favorite so far? Why?
Tatlo ang “most” ko eh, ayos lang ba? Ito yung mga nagpadugo ng utak ko, nagpasakit ng puson ko tas nagpatuyo sa puso ko. Buhos-buhos:

Mahalay? Hindi. Magulo? Oo. Noong ginawa ko kasi ito, gupong-gupo ako sa emosyon. Malaking parte ng blog ko ang mga akda at rants tungkol sa isang taong inikutan ng mundo ko sa loob ng mahabang panahon. Personal, oo. Isa 'to sa mga paborito ko kasi alam kong sobrang vulnerable ko nung panahong ito.

Paborito dahil isinulat ko ito pagkatapos ng matagal na panahong nawala ako sa sirkulasyon. Ang sarap kasi nung magsusulat ka tas aagos na lang yung mga salita ng tuloy-tuloy. Ang akdang ito ay nagawa sa ganoong paraan: hinayaan ko ang mga daliri kong lumipad paroo't parito sa keyboard.

Paborito dahil, kahit sa labas ng blogging, 'pag iniisip ko ang pinaka-paborito kong pagkakape time, ito yun. Mabuti na lamang ay naitipa ko yung laman ng utak ko nung mga panahong iyon.

What are the challenges when you were starting  to blog?
Maliban sa pagiging sabaw, tingin ko isang masakit sa bangs na pagsubok eh 'yung huhusgahan ka. 'Di maiiwasan iyon, oo, at naintindihan ko iyon. Naiintindihan ko na maaaring may pare-pareho tayong kinalakhang values pero may iba-iba tayong prinsipyo ---- kung saan papasok ang isa pang pagsubok: Ang paga-akala ko noong lahat – LAHAT – ng nasa blogosperyo ay bukas ang isipan sa mga bagay-bagay na mababasa nila.

Ganoon kasi kataas ang antas ng blogging para sa akin. Napakalaking venue nito upang makapagpahayag ka ng nais mo. Naiintindihan ko rin na sa marami ay may panuntunan sa kung ano ang dapat at hindi mo dapat i-blog. Pero kasi magkakaiba tayo ng depinisyon sa mga bagay-bagay. Bastos at gago ako para sa iyo, maaring outspoken lang ako para sa ilan, maaaring may magsasabing papansin lang ako. Maaaring pang-porn 'yung tingin mo sa mga ipinapaskil ko, maaaring nakaka-turn-off 'yung sangkatutak kong pagpa-“Pa*&u*, pero iba ang depinisyon ko ng porn/bastos at iba ang nakaka-turn-off para sa akin at para rin siguro sa iba. Madalas magkakabangga 'yung kanya-kanyang “ethics” para sa pagba-blog at sa pagpapaskil sa Web, at ang kalayaan sa pagpapaskil ng kung ano. 

May napakakitid na pumapagitna sa dalawang iyon na kung iintindihin ng iba’y peace peace naman na tayong lahat: RESPETO. Respeto sa ipapaskil ng isa. Respeto sa magiging opinyon ng isa sa ipapaskil na iyon. Pag naisabuhay mo iyon at nai-practice mo sa blogosperyo, wala nang bangayang mangyayari sa comments section at wala nang mga hinayupak na maga-Anonymous at 'di magpapakilala dahil nega at against sa akda mo ang ipinaskil nilang komento.
 
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Ang direksyon ng “ka-blogstugan” ko ay naitakda na ng titulo nito. Isang malayang pagpapahayag ng sarili, bagama’t maaaring salungat sa kung saan komportable ang nakararami. Maraming nagsasabing nakaka-intriga ang titulo ko. Tingin ko hindi ito nakakaintriga, ibig sabihin lamang noon ay hindi kasi tayo sanay sa ideya, at maaaring hindi rin ine-entertain ng iba ang ideya, na maaaring babae nga si Satanas. Minimithi ko na ang blog ko ay makapagparating ng ilang mahalagang mensahe: Na may mga tipuhan ng pagba-blog na buwis-buhay dahil may mga isyu, personal man o hindi, na matatalakay na kadalasan ay ayaw harapin ng marami, o ayaw tingnan sa ibang aspeto. Na may mga panulat na maaaring madilim para sa nakararami pero sa iba’y maaari itong tipo ng pagkapit sa kakaunting liwanag na kayang dagitin ng mga daliri ng isa.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Sa galing ng panulat, madami 'yan. Lalo na pagkatapos ng dalawang Kamalayang Malaya, isang patimpalak ng palakasan ng pag-utot ng mga salita. Marami akong trip na mga blogista, lalo na 'yung mga nasasakyan ko. Pero ito ang Top 3 ko:

Isa ako sa mga pan nito, simula pa lamang ng magsimula ako. Hayup talaga 'to magsulat, pati sa personal. Ang bilis ng utak. Witty. Sino ba naman ang kayang pagsabayin ang essence ng physics at blogging sa dalawang sentences, sa paraang pa-fliptop pa ang pagkakasabi sa bilis ng ideya? Punyeta. (At dahil nambola na naman ako, makahingi nga ng suhol)

Sucker kasi ako sa mga blogs na feeling ko pribado. Konti lang ang nakakaalam (ata). Noong nasa Wordpress ako, napasok ko ang blog niya (na noo’y pakiramdam ko’y pribado), nahalukay, at simula noo’y literal kong hinahanda ang sarili ko bago itipa ang url niya. Galing na galing ako rito. Sabi nga ni Sir Duks, may mga blogs talaga na nalulunod ka. Sa blogs ni Ewk (oo, blogs, kalat-kalat 'yan, ewan ko d'yan, parang may tinatakasang nakaraan, hahahaha), nalulunod ako. Pakiramdam ko tuwing may akda siyang binabasa ko, napaka-vulnerable ko, parang hawak-hawak niya 'yung puso ko sa kanyang kamay at kayang-kaya niyang pigain, palobohin, pasabugin at kung anumang trip niyang gawin dito.

Hindi ako nagjo-joke. Hindi ko gaanong nasasabi sa kanya na hanga ako sa mga pinagsususulat niya. Nagle-level-up. LumiLIRA na ang dreadlocks --  este deadlocks -- at abs (na ngayon ay history na) niya. Madalas ko rin siyang namumura, sa web man o sa personal, pero tingin ko'y batid naman niya na 'pag may hinanaing ako sa mga akdang nais kong isulat o naisulat ko na, isinasangguni ko sa kanya. Pati na rin sa mga iba't ibang shizzat sa buhay, busy man eh ang kanyang 'Mander din ang nakakausap ko. Hanga rin ako sa walang pagrereklamo niyang paghila ko sa kanya sa tabi upang makausap 'pag nagkikita kami. Totoong tao, sa loob at labas ng blogosperyo. Malibog nga lang. 

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Iyong pagsali ko sa Kamalayang Malaya: Daloy Diwa. Doon nagbago ang pagtingin ko sa maraming aspeto ng pagba-blog. Basta. Mahabang kwento.
 
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Isa lang ang nais kong baguhin, hindi sa blog ko mismo, kundi sa paraan ko ng panulat. Kailangan kong matutunan ang paggawa ng akdang maikli at siksik. 'Di yung mahaba. 'Di 'yung tatamarin ako, pati ang mambabasa kung mayroon man, na tapusin. Malaking pasasalamat ko sa mga nagbabasa ng mga mala-nobela kong mga pinapaskil, pero seryoso, kailangan kong iklian kasi parati akong nakaka-encounter ng, “Ang haba naman ng post mo!”. Charot!

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Pagmu-muni-muni pagkatapos (at habang) nagyoyosi. O kaya pagkatapos ng pag-inom o pakikipagtalik. Kadalasan hinihintay ko 'yung panahong literal kong nararamdaman na sasabog na ako, kaya kailangan ko na talagang magpaskil noon. Pag 'yung mga saktuhang posts lang (meaning yung mga mema post lang), 'yung mga una kong maiisip pagkahawak ko sa tasa ng kape, 'yun yung ginagawan ko ng entry.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Pinapakiramdaman kung binuhos ba ng tumipa 'yung lamang-loob niya sa ipinaskil niya. Ewan, mararamdaman kasi yan eh. Sa hampas pa lang ng unang sentence, o sa sampal ng unang paragraph, mararamdaman na yan kung nag-ala-exorcism ba yung blogger upang mailabas lang 'yung emosyon at ideya ng isinulat niya eh. OA lang ako mag-describe, pero totoo 'yon. Nararamdaman 'yan.       

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo. 'Yung totoo, oo. Kahit nga sa’yo nag-skip read na rin ako minsan eh. (Totoo raw eh, ayan, honest nga). Kahit sa ibang bloggers na kakilala ko na sa blogosperyo man at pati sa personal, napa-skip read na rin ako sa kanila. Natural lang 'yan. Pwede rin ninyong gawin 'yan sa blog ko. No hard feelings, ma’men.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
'Yung mga comment na hindi ikinomento sa mga akda ko pero nakarating sa akin na sinabi ng ilan tungkol sa mga ipinaskil ko (Teka, napapangiti ako... Ayan, natatawa na ako. Pigilan mo, Essa, pigilan mo!). Muli, no hard feelings. Natural lang ulit 'yan. Ginagawa naman ng lahat yan. Muli, may kanya-kanya tayong trip at 'di trip. 

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Napaisip ako sa commentator, hahahaha!
Paborito?
Sarili ko. Ang sarili kong mga comment sa mga ipinaskil ko ang epic na halimbawa ng mga komentong hindi naipaskil sa blog ko. Ang pinakaepal, pinaka-nakakabadtrip, pinakanakaka-flatter na taga-comment ng mga akda ko ay ang sarili ko. 'Yung mga tipong, “Ang gago ng sinulat mong ‘to, Essa,” o “Oi, pwede 'yan, pwede 'yan ah.”

What do you hate most about blogging?
May mga pagkakataong napagtatanto kong ang mainstream na ng blogging. At siyempre, magulo akong kausap dahil ang punto kong ito ay against sa ideya kong ang blogging ay isang venue upang magpahayag. Basta, basta…. Hirap i-explain! Ewan ko kung may makakaintindi at makaka-relate sa mga panahong napapaisip akong ang mainstream na ng pagba-blog.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Sir, hangga’t may mga salitang hindi ako patutulugin sa gabi, tuloy lang. Natural lang na magbabakasyon sila sa pambubulabog sa iyo, pero hindi sila tuluyang mawawala. Akala ko dati nawawala 'yang mga halimaw na 'yan. Changgala, 'di rin pala. Kaya hanggang may emosyon ka, hanggang may maibabahagi kang sarili mo, go lang ng go.

What will make you quit blogging?
………
*matapos ang dalawang oras na pag-iisip*
………
Wala. Sarili ko. 'Pag sinabi ko nang ayoko na. 'Di ako mapapa-quit ng kahit ano, at kahit sinong, shizzat. Sarili ko lang ang makakapagpahinto sa akin.

How do you want to be remembered as a blogger?
“Sinong Essa? Si Taning/Satanas lang kilala ko eh! 'Yung epal na nagba-blog tas uma-attitude ata!” Mas gusto kong people expect the worst of me, para wala akong pangangalagaang expectations.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Sa mga regular at di regular na bumibista sa lungga ko at nakiki-kape, una sa lahat, salamat. Sobra. Alam niyo 'yan (at kung hindi man ay ngayo’y alam niyo na). Pangalawa, di ako hihingi ng paumanhin sa mga ipinaskil ko o sa mga ipapaskil ko, dahil hindi ako hihingi ng paumanhin for the person that I am. Pangatlo at pinakamahalaga, 'wag kang matakot na ibulalas sa mundo 'yung laman ng ga-melon mong kokote. 'Wag mong iisipin na huhusgahan ka ng iba, kasi sa pagtatapos ng araw, ang pinaka-kritiko mo ay ang sarili mo. Sa iyo ang espasyo na mayroon ka, gamitin mo ito sa paraang nais mo. Pero gaya ng HirayaManawari at Wansapanataym, may moral lesson at iyon ay kailangang matutunan mo ang pagrespeto. Kailangang matutunan mong
a) respetuhin ang sarili mo,
b) umani ng respeto na kusang ibinibigay ng iba at maging deserving nito, at
c) respetuhin ang iba. 
Sirang plaka na ako kakaulit nito.

When do you say that someone is a bonafide blogger?
Simple lang -- Kapag ang isang "nagpapaskil" ay nagsimula nang panagutan ang mga ipinapaskil niya.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Iskwater [pangngalan]. Kalayaang tumoma, magsigawan, magmurahan, magyosi; Karumihan, madumi; Gusgusin, dugyot; Buntisan doon at dito; Gangs, frats; Kalayaang walang sinasanto ni Barangay Kagawad o Barangay Captain; Kalayaang ang hangganan ay naaayon sa iyong mga prinsipyo; May mga himalang itinatago sa mga eskinita at bahay-bahay.

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Oo. Walang kibot kong sinasabing iskwater ako. Maraming bagay sa buhay ang natutunan ko sa labas ng mundong pinagpagurang itayo ng mga magulang ko para sa akin. Madalas akong sinasabihan ng pamilya kong mukhang iskwater ako, ugaling iskwater ako. Naturingan akong rebelde. 'Di ko sila masisisi. Sadyang may mga aral na madadampot lamang kapag naglakad ka sa eskinita ng mga barong-barong at kapag inilublob mo ang iyong mga kamay sa kanal. Maraming mga diskusyon ang dumaan pero siguro, hindi nila lubos maintindihan na sa gulo ng iskwater kong buhay, naroon yung mga shizzat na hindi ko matututunan kung hindi ako lumabas sa mundong gusto nila para sa akin.

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)

Kapamilya o Kapuso? Kapamilya 
Jollibee o McDo? Mcdo
Spit or Swallow?  Swallow 
Lights On o Lights Off? On! On, please, on! Hahaha! 
Nora o Vilma? Vilma
Bentong or Dagul? Bentong
Face or Body? Face
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly 
Younger or Older?  Older
Payat o Mataba? Sakto lang
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex w/o kiss
Mabilisan or Take your Time? Take your time *sabay ngiting malisya*
To Eat or To Be Eaten?  To be eaten *with matching ngising aso*
Madam Auring o Aling Dionisia? Madam Auring (na may bagets na jowa)
Maikli o Mahaba? Ayyyyyyy :”))
 --- o 0 o ---
Mahaba-habang kwentuhan...
Labis ang aking pasasalamat sa pagkakataong mas lalong makilala ang babae sa likod ng "Babae Pala si Satanas". 

Mas tumaas ang antas ng aking paghanga kay EssayniPayoyo dahil sa sisksik na sustansiyang taglay ng mga kaisipang kanyang naibahagi.

Please check out her blog at tulad ko, humanga sa ilan niyang mga posts na may madidilim na tema ngunit sumasalim sa katotohanan. One word to describe her - MABANGIS! 

(Click this link...)



"Tanggapin mo sarili mo. 'Pag nagawa mo nang matanggap at ma-appreciate lahat ng kalakasan at kahinaan mo, yung sense of style mo, yung tipuhan mo ng pakikitungo sa iba't ibang tao, yung mga trip mong ginagawa at di ginagawa, yung mga gusto mong mangyari sa buhay mo --- 'pag natanggap mo na lahat iyon --- everything else follows." - Essa Pajarillo

Fake Me 7 Times




1. Do not expect the world to be truthful if you're not. 

2. Fake friends are more expensive than the real ones.

3. Faking happens when you try too hard. 

4. If my honesty annoys you, you're annoying.

5. Safe is borderline Fake.

6. Fake friends suck on one thing they don't have - value. 

7. Be True! Be True! Be True! If you can't, Fake it!



My BAKIT List



Bago man lamang ako lagutan ng hininga at marating ang tuldok ng buhay, nais kong mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit kulot ang pubic hair?
2. Bakit hindi na common ang common sense?
3. Bakit nanalo si Nancy Binay even without brain and beauty?
4. Bakit ayaw magpapayat ni Jessica Soho?
5. Bakit wala pang Ms. Universe crown ang Philippines after 1973?
6. Bakit OA ang Taiwan sa pagkamatay ng kababayan nilang kriminal na tresspassing?
7. Bakit adik ang mga kids kay Jollibee?
8. Bakit anonymous pa rin si Bob Ong?
9. Bakit mas madaling tumaba kaysa pumayat?
10. Bakit may mga taong mukhang pera?

I will be in a long journey finding out answers for these.

Help me out here.

Nan Cy Hudas ay Maging Senador


Mahina pa sa matumal ang dating ng mga labahin kaya naman naging abala ako sa pangangalakal ng basura nitong mga nagdaang linggo. Muntik ko tuloy makaligtaang may tambayan pala akong dapat balikan sa masikip na eskinitang may mangilan-ngilang mga tambay.

Tapos na ang halalan at sumpang nanalo ang mukhang pagod na talunang kagawad na si Nancy Binay. Napagod ako sa kakadasal na sana'y mahimasmasan ang taumbayan pero nanaig ang kangyarihang itim. Literally.



Sky high ang aking blood pressure dahil isa lang sa mga binoto ko ang pinalad - si Grace Poe. Pampalubag-loob na siya ang nanguna pero malamang sa malamang ay nanalo siya hindi dahil sa utak at kwalipikasyong mayroon siya kundi dahil siya ay anak ni FPJ at Susan Roces. Saklap! Alam kaya ng milyong mga botanteng si Grace Poe ay nakapagtapos ng kursong Agham Pampulitika at tunay namang nararapat na maging mambabatas sa mataas na kapulungan? Hindi man ako sang-ayon kung paano siya naibenta sa masa through her political ads, isa siya sa mga tunay na may track record. May sustansiya at laman kung hihimayin ang ilang mga debate fora na kanyang dinaluhan.

Enuf with politics! Enuf with trashtalking Nancy! Pahinga-pahinga rin 'pag may time!

Marami man ang hindi naging masaya sa resulta ng nagdaang eleksyon, look at the brighter side of the story.

May 6 years na bubunuin bilang Senador si Nancy Binay! Hindi ko siya pag-aaksayahang hamuning ilabas ang kung ano ang ibubuga niya pero gagawin kong kalbaryo ang kanyang panunungkulan. Sa aking munting paraan, hindi makakawala ang mga katontahang gagawin niya sa Senado. 

Nag-usap na kami ni Ate Miriam Defensor Santiago. Siya na raw bahala.

Sayang ang Pork Barrel sa'yo 'teh! Humanda ka...

May Karma ka Nancy!

*halakhak ni hudas*


Ang Iskwater at Ang Salaula


Kilala niyo ba ang lalaking  nasa larawang ito?



Ano sa tingin niyo? 
Siya ba ay...

Adik?
Barumbado?
Kriminal?
Magnanakaw na kinuyog ng taumbayan?

Malaking pagkakakamali!

Siya ang isa sa mga labis kong iniidolong blogero. Sa unang pagbisita ko pa lamang sa kanyang tambayan, napahanga niya ako sa datingan o bagsakan ng kanyang malayang kaisipan.  May likas na tapang. Indie ang vibe ng kanyang mga katha. Sa ilan niyang mga  posts, nakuha niya ang aking respeto. Marapat lamang naman dahil kung may isang salita upang ilarawan ang kanyang mga akda - makabuhuluhan.

May sustansiya at pinag-isipan ang kanyang mga ibinabahaging punto de vista. Kung ang world of blogging ay hitik sa mga timawang nakikiuso, ibahin natin itong barako ng Tondo dahil para sa 'kin, angkin niya ang tunay na talento.

Mas kilalanin natin... 

The great man behind The Karakas: Salaula sa Tinta


Full Name: JH Alms
Age: 33
Sex: male
Location: Tondo, Manila
Civil Status: happily married with three amazing mini-halimaws
FB E-mail Address: pigdandy@live.com
Twitter Account: @pigZdandy




Kumusta ka naman?
Solb lang naman. So far, walang nai-encounter na malupit na pagsubok ‘yung family. Smooth lang ang takbo ng buhay.

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Sa totoo lang, bago pa i-offer ‘yung interview, plano ko na ring isara ‘yung Salaula Sa Tinta and leave blogging for good. Nawawalan na ako ng gana. Nung tanungin ako ni Senyor kung pwede raw ako i-feature sa blog niya through this, I thought I want to give it a shot. This made me decide to hang on in a bit. Masaya, first time sa ganito, eh.

What’s with the blog name, “Salaula sa Tinta”?
Salaula sa Tinta, tungkol ‘to sa pagkatao ko, tsaka kung paano ako mag-isip at magbigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. “Salaula”, ibig sabihin, walang pakialamanan kahit minsan nakaka-dugyot na ‘yung mga sinasabi ko. Para sa akin, subjective naman kasi ang mga opinyon, eh. Pwedeng may sumang-ayon, pwedeng wala, sa paraang walang pwersahan. Pero hindi ibig sabihin nun, mali ‘yung kani-kaniya nating opinyon. Hindi lang jive kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. ‘Yung “tinta” naman, I have some tattoos, mahilig ako sa vandalism, graffiti, I do sketching and painting minsan, I started my own comic strip (na hindi rin naman naituloy dahil sa katamaran), mahilig akong mag-take down ng notes dati, at any ink-related etc. ‘Pag pinagsama, “salaula sa tinta”, parang “I wanna go wild and express kung ano ‘yung paninindigan ko tungkol sa kung anu-ano through writing, in a very “free-spirited” way”... Parang ganu’n.


Katulad din nito ‘yung isang taong punumpuno ng tattoos ‘yung katawan. ‘Yung iba, pwedeng mailang, unang-unang pumapasok sa utak ng ilan, “sanggano” na kaagad. May paghatol na kaagad sa unang impresyon pa lang. Instrumento ang “Salaula sa Tinta” para sukatin ang utak ng mga mambabasa nito kung paano humusga sa lahat ng bagay. Ang kicker lang dun eh, tulad nga ng sinabi ko, subjective ang lahat ng opinion, kaya hindi rin natin pwedeng basta na lang sagasaan ‘yung ibang taliwas ang opinyon sa opinyon natin.

When did you start blogging?
2007 yata, nag-umpisa sa Friendster.

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Nag-krus ‘yung landas ng pagsusulat namin noon sa Deviantart. Ang lulupit ng mga ‘yan.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
‘Yan ‘yung entry ko sa unang patimpalak na nilahukan ko sa mundo ng blogging. Inabisuhan pa ako nung pasimuno dahil sobra ako sa word count, Kailangan ko raw tapyasan. 
‘Eto ‘yung “tapyasado version”:

What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Sa totoo lang, hindi ko na napapansin/pinapansin ‘yung challenges. Siguro, ‘yung “atat” na lang, na gusto kong mag-post regularly pero wala akong maisulat.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Hindi ko iniisip ‘yung direksiyon. Kung may susundin akong ganun, mapupwersa na. Para sa akin, wala nang silbi ‘pag ganu’n.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Nilagay ko na sa itaas ‘yung links. Sila sina Bagyo, Tinz, Moira, at Rob, respectively. One word: Malulupit.

Ano ang iyong pinaka-unforgettable experience as a blogger?
‘Yung sa Deviantart sometime in 2008. Intense ‘yung ideas dun. Na-overwhelm ako dun.

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?

the karakas: salaula sa tinta

Pagkatapos kong idagdag ‘yung “The Karakas” na header (“The Karakas: Salaula Sa Tinta” na ‘yung blog title ngayon). sa tingin ko, wala na akong babaguhin dun. Blog title dati ‘yun ng tumblr blog ko na sinara ko lang recently. Napansin ko, mas marami yata dun ‘yung mga bullshit at walang utak kesa sa mga matitino.

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?


Bukod sa kung anu-anong pangkaraniwan nang mga preparations, kailangan ko lang paghandaan ng mabuti ‘yung ideya na gusto kong i-post. I’ll get a real life o toma na lang o kaya, kakailanganin ko nang maghanap ng tunay na kaibigan kung puro reblog lang naman ng walang kakwenta-kwentang pictures  ‘yung laman ng blog ko.

For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Wala akong sinusunod na pamantayan, eh. Tamad ako magbasa, pero kung papansinin, ‘pag nag-comment ako sa isang post, ibig sabihin, na-entertain naman ako. Kung wala akong comment, maaaring hindi ko natapos due to some unexpected shitsnitz, nakaligtaan ko ‘yung post, or hindi lang talaga ako naging interesado.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Like I said, wala akong sinusunod na pamantayan, pero after reading hanggang sa second o third paragraph ng isang post eh hindi pa rin ako engaged, hindi na kailangan ang skip-read, close tab na kaagad ‘yun.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
Honestly, wala talagang remarkable, eh.

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Wala akong favorite, sa totoo lang. natutuwa lang ako sa ilan na bihira lang bumisita sa “salaula” pero ‘pag nagkita-kita kami, halimbawa sa isang toma session, they’re like “adre, halimaw ‘yung huli mo”. Tapos konting palitan na ng kuru-kuro tungkol dun. Mas solb ako sa ganun.

What do you hate most about blogging?
One word: TUMBLR

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Weird ‘to, kasi kelan lang, plano ko nang isara ‘to. But let’s see, let’s see...

What will make you quit blogging?
‘Pag ‘di ko na talaga maharap siguro tsaka ‘pag naisip ko (ulit) na wala na talagang silbi sa akin ang blogging.

How do you want to be remembered as a blogger?


Kahit sa anong paraan na lang kung paano ako maaalala ng mga nakabisita na sa “salaula”. Andun lahat ng bango, baho, katalinuhan, kabobohan, kasipagan, at katamaran ko. depende na lang sa kanila kung hanggang kelan nila aalagaan sa alaala  ‘yung hanga at inis (kung meron man) nila sa akin. Pero sa tingin ko, malabo sa akin na may umabot sa puntong ganito.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Sulat lang ng sulat. Kung wala, okay lang. Ugaliing maging tsismoso/tsismosa minsan at makinig sa paligid. May napakaraming kwento ang paligid na naghihintay lang na maisambulat.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Pagkumparahin na lang natin ‘yung intelektuwalidad/survivability ng mga taong sabihin na lang nating matagal nang nasa iskwater tapos ihambing natin sa sabihin na lang din natin kayang bumili ng isang pulo sa hundred islands. Kung na-gets mo ‘yung punto ko, alam na. Apir!

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Sa kung paano mag-isip at magbalanse ng mga bagay-bagay ang mga taga-iskwater, ‘yan ‘yung naging puhunan ko para umabot ako sa kung ano ako ngayon.

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!) 
Kapamilya o Kapuso? Kapuso
Jollibee o McDo? Mcdo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Mahal
Hinaharap o Behind? Hinaharap
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex w/o Kiss
Mabilisan or Take Your Time? Take Your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Madam Auring o Aling Dionisia? Aling Dionisia
Maikli o Mahaba? Maikli
--- o 0 o ---

Nang matapos ang maikling huntahan, mas tumaas ang antas ng aking pagka-elibs kay Ginoong JH Alms... Speechless... Solb lang!

Hindi matatawaran ang aking pasasalamat dahil nadagdagan na naman ang listahan ng mga bagong kaibigang may wagas na kakayahan sa pagsusulat.

Please check out his blog and take time to back read his 'astig' works of art!!!
Click this link...



"Ang buhay ay parang sa pagmamaneho lang. Hindi lahat nakukuha sa 'Tersera' o 'Quarta' kaagad.. Kadalasan, kailangan mong mag-umpisa sa 'Primera' para mas malakas ang hatak.. Lalo na sa mga sitwasyong puro palusong at puro paakyat... - JH Alms"