Confession of a Bully Blogger - Unedited

Every time I try to blog again, hindi ko alam kung paano sisimulan. Ayaw na yata sa 'kin ng blogging. Hindi ko alam kung sabaw lang. Feeling ko dahil masalimuot lang talaga 'yung experiences ko involving bloggers. Traumatic yata...

May mga pros and cons when I decided to mingle with other bloggers. Maraming pros. Marami ring cons. Isang malaking bagay na naging bahagi ako ng isang group na marami nang natulungan. Sobrang fulfilling 'yun! I'll be forever thankful na naging part ako. I promise I won't quit. 'Di tulad ng iba jan! 

Sa kabilang banda, may mga nakilala ring naging kaibigan... na eventually naging kaaway. As in! 

Ako na palaaway! Ako na masama ang ugali! Hehe. Sinubukan kong himayin kung bakit medyo humaba yata ang listahan ng mga hindi ko nakasundo. Wala ring sense. I ended up almost alone at sama-sama sila. Obviously, ako may problema. Masama talaga ugali ko. Masyado kasi akong naging feeling close. Masyadong naging totoo to the point na naging madaldal, offesive at kung anu-ano pa. Arogante sa mata nila.

Hindi ako pa-victim pero sa tingin ko, may point din naman ako. Ayoko lang sabihin kasi I don't want to sound overly defensive. But wait, chance ko na 'to!

Ganito kasi... Hindi na ako mag-eexplain. I just have few words for each of you.

Para kay Feeling Sikat na Blogger from the South
Hoy! Unang-una, emo ka. Para kang Sun. Feeling mo sa'yo umiikot ang solar system. Explain ko lang ha, wala akong ginawa sa'yo! I was too busy minding my own life to think about you. I dunno what happened pero bigla na lang akong unfriended, unfollowed and blocked sa accounts mo. May isyu ka ba? Ako meron. Marami! Tara! Bonding tayo! Alam ko na PR account mo!

Para kay Cutie Boytoy na mahilig mag-selfie na isa palang Girly
Hoy ka rin! Kung ano man ang sinabi sa'yo ni feeling Superman, bahala ka! Siya ang nag-confirm na becky ka. Eh ano naman? Ako pa ba judgmental? I didn't deserve to get mean texts from you pero be thankful na busy ako to make patol. Ngayon lang para maka-move on na tayong lahat. I hope happy ka. Para kasing hindi.

Para kay Feeling Superman
Alam mo ang totoo. Kupal ka and more! Let me know kung kelan ka libre para mabigyan kita ng mas malaking salamin. GGSS ka eh noh? 

Para kay Daddy No More
You know what's wrong with you? Ikaw mismo. Labo mo! Ikaw na 'tong may nagawang masama, ikaw pa may lakas ng loob na i-broadcast ang istorya. Para ano? I remained quiet out of respect. Sayang. 'Di mo naman pala deserve ang respeto. Argh! Kagigil ka!

Para sa Haring Walang Kaharian
ANG LABO MO! Ano ba isyu mo sa buhay? Di ko gets eh. Ang labo mo lang talaga!

Para kay Ex-BestFriend Kuno
You're asking why I unfriended you? Walang reason. Naubusan din ako ng reason to continue making friends with you. Hmmmnnn... Actually may major reason. Pero nakakahiya sabihin. BURAOT ka!

Para sa Pusang Burikat
Nakakasayang ka ng oras. Isa ka sa pinakawalang sense na taong nakilala ko. Nyeta ka! Kung nabuhay ka noong panahon ng hapon, malamang MAKAPILI ka! Nasaan na mga friends mo?

Para sa Isang Root Crop na Feeling Yummy
Masaya ba buhay mo? Sana ipahalata mo. Hindi kasi gawain ng masasayang tao 'yang ginagawa mo. Backstabber ka! Pakyu!

Para sa Beking Chararat na Mahilig sa Mani (Note to Self ba 'to?)
HOY! Sa sobrang lowlife mo, wala akong masabi para ikababa mo pa. Kota ka na! Sa dami ng naaway mo, it shows sa hilatsa ng hitsura mo ang klase ng buhay mo - Walang gandang maidudulot! 


Hayst! Wala na akong ibang maisip. I'll end it here na. I am not happy about this and hopefully, last time na 'tong moment na 'to! 

Sorry sa lahat ng mga walang kinalaman pero na-offend. Cncya, 'di na naproofread. Hindi rin naman worthy!

Basura noh?!? 


7 Things To Do On Valentine's Day If You're Single


Valentine's Day na!

Supsupan na naman ng mga puso! 

Perfect na araw para sa mga lovers out there. Para sa mga uber excited madiligan ng ambon ng kalandian - araw niyo 'to!

Marami na naman ang magiging temporarily taken masabi lang na hindi member ng www.DatelessValentine.org at ng Losers Lane Society.

Mapupuno na naman ang mga mot-motz kaya sa mga walang early reservation, gudlak sa mapupwestuhan.

Sa mga tulad kong kinalimutan na ang pag-asang muli pang kikiligin maliban sa pag-ihi, halina at samahan niyo ako sa itinerary ko ngayon darating na Stupid Cupid Day of Hearts.

1. Mag-register sa Unli
Gawing busy ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-text buong araw. Gumawa ng personalized Valentine's message sa lahat ng tao na nasa phonebook mo. Sa mga kakilalang taken at masaya sa relasyong meron sila, send them chain text message at 'wag titigil hangga't hindi sila napipikon o kahit maistorbo man lang.

2. Gumawa ng Fake Suicide Note
Just pretend that you hate your life for being single kaya more, more write ka ng suicide note at i-post sa FB wall mo para naman makakuha ka ng atensyon sa mga friends. Para hindi sila mapikon afterwards, sabihin mong na-hack temporarily ang iyong account o kaya ay sabihing in-open ng Ex mong walanghiya. 

3. Dalawin ang Mga Yumaong Kamag-anak
Since nga-nga, gawing makabuluhan ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa mga dedz na relatives. Kausapin, kumustahin at humingi na rin ng tulong sa kanila at i-wish na sana ay huling taon mo na itong loveless on a Valentine's Day at sana ay matagpuan mo na ang taong kayang pagtiisan ang mga asim at sapak mo sa katawan (inside and out).

4. Do Mountain Climbing
Iwasan ang mga matataong lugar tulad ng mall, park o kahit anung lugar na madalas puntahan ng mga nang-iinggit na 'In a Relationship' ang status. Gumising ng madaling-araw at mag-out of town. Ang perfect place ay sa mga payapang bundok na hindi pa masyadong naakyat ng mga professional climbers. Ituring ang February 14 as your day to think and reflect. Tanungin ang sarili kung ang pagiging single ba ay karma, sumpa o kamalasan.

5. 'ME Time' Moment
Gasgas na libangan ng mga loveless ang pagpa-pamper sa sarili. Ituturing itong self-reward mula sa araw-araw na stress at pressure na kinakaharap kahit na ang totoo naman ay wala lang talagang mapagtuunan ng atensyon. Waaaaaah Losssseeeerrrr! Ituloy lang ang ganitong gawi at mas swak ang quality 'ME Time' moments ngayong araw ng mga puso.

6. Patay-patayan Mode
Kung required ngayong Valentine's na sagutin ang tanong na 'Para kanino ka bumabangon?', magsisimatayan ang mga single boys and girls for sure. Para hindi masyadong tragic, da best thing to do sa pagpatak ng araw na ito ay ang pananatili at pagkukulong sa kwarto. 'Wag kumain, 'wag tumayo, 'wag ng kumilos sa araw na ito at ipagpabukas ang lahat ng gagawin. Ayon sa chinese horoscope, bawal mag-celebrate ang mga single ngayong Valentine's dahil mamalasin at tatanda mag-isa unless mapanlabanan ang kapangyarihang itim.

7. Sadistahan na lang!
Kung matigas ang ulo mo, don't do any of the previous items. Mag-log in sa FB at hanapin ang accounts ng mga Ex mong kundi happily married ay happily taken naman. I-check mo kung gaano sila kasaya nang mas makumprima mo ang nadaramang pangungulila at kalungkutan. Go malling or strolling sa park at tingnan kung gaano ka-sweet ang mga masasayang couples on a date. I-browse ang mga old messages ng Ex sa 'yong Cellphone at mag-moment ka buong araw. Manuod ng mga romantic movies at patayin ang sarili sa inggit. Kung ito ang gusto mo - may problema ka!

Marami pang pwedeng gimik ngayong Valentine's Day kung ikaw ay single and available. I just gave you options but seriously, may mga mas makabuluhan pang mga bagay ang maaaring gawin.

C'mon... You're single and so what?!?
It's just a status not your life. Ang importante ay nakangiti at masaya ka. Nandyan naman ang mga kapamilya at kabarkada to cheer you up.

Dasal-dasal din kasi para makita at makilala si 'The One'...

Maitawid Lang

Hey, matagal akong nawala, napansin mo ba?

I'm not surprised.

No, I didn't quit. 

Hindi dahil tinatamad lang.

Hindi rin dahil sabaw.

Maraming pwedeng inspirasyon.

Maraming pwedeng panghugutan ng emosyon.

Maraming pwedeng i-kuwento.

Maraming balita, isyu, updates. Juicy updates.

May nawala. May bumalik. May iniwan. May kinalimutan!

Walang madalas na blogposts hindi dahil busy.


Ah basta, malalaman at malalaman mo rin.


#MayPinagdadaanan

BITTER ka ba?

Hindi ako bitter. Hindi ka bitter. Walang taong bitter.
1st Sypmtom ng Pagka-bitter: In Denial!


Kaipokritahan ang claiming na hindi naging bitter kailanman. 
Paano ba masasabing nagmamapait ang isang tao? If you have someone you consider as 'The one who got away...' or if there are times na hypophreniac ka- confeermeed! Bitter ka!

Here are some signs to help you conclude kung love mo ang Ampalaya Bitter Herbs...

1. Laging hindi mo bet ang nagiging jowa ng friend mo dahil ang totoo, may HD ka kay friend!

2. You claim na hindi mo na iniisip si EX pero after the breakup, gumulo ang mundo mo dahil siya lang ang huling taong kumumpleto sa'yo. 

3. Nami-miss mo siya. Lagi siyang nasa isip mo. May mga kanta at lugar na nagpapaalala nung kayo pa. Eh 10 years na kayong wala.

4.  Ang tagal mo nang single. Sabi mo you just love yourself more and you don't want to settle for less pero ang totoo, mahal mo pa kasi.

5. Lagi kang taken. Iba-iba ang partner pero hndi tumatagal. Hindi ka nababakante. .Yung totoo? Ilang panakip butas ang kailangan mo? 

6. May nararamdaman kang hindi maipalawanag sa tuwing makikita mo mga posts niya sa news feed mo. 

7. Hindi ka masaya 'pag masaya siya pero masaya ka 'pag emo siya. Demonyo ka ba?

8. Kabisado mo pa rin theme song niyo at nagbabalik ang lahat nung kayo pa sa tuwing kinakanta mo 'to.

9.  Inabot ng taon ang pagmumukmok mo habang hindi naman inabot ng 40 days ang relasyon niyo.

10. Post ka ng post sa FB ng mga dates mo. Umaasang sana makita ni EX para isipin niyang you've totally moved on. Kahit sa sarili mo, alam mong hindi pa. #Kawawa

Kung may maidadagdag ka pa, please feel free add na lang. 

I need to move on! 

Iskwater Lang


'Pag tahimik, galit na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang masabi?

'Pag tumitig, in love na agad?
Hindi ba pwedeng tulala at may iniisip lang?

'Pag nag-extra rice, matakaw na agad?
Hindi ba pwedeng rice person lang?

'Pag nangutang, gipit na agad?
Hindi ba pwedeng sinusubok lang ang friendship?

'Pag inaantok, puyat na agad?
Hindi ba pwedeng bored lang?

'Pag mali ang sagot, bobo na agad?
Hindi ba pwedeng slow lang?

'Pag sumigaw, galit na agad?
Hindi ba pwedeng nagvo-vocalize lang?

'Pag naluha, malungkot na agad?
Hindi ba pwedeng napuwing lang?

'Pag nanghingi ng food, patay gutom na agad?
Hindi ba pwedeng naglalambing lang?

'Pag nanlibre, mayaman na agad?
Hindi ba pwedeng paandar lang?

'Pag na-miss si Ex, mahal na agad?
Hindi ba pwedeng bitter lang?

'Pag pumayat, may sakit na agad?
Hindi ba pwedeng naghihirap lang?

'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?

'Pag umabsent sa trabaho, magre-resign na agad?
Hindi ba pwedeng nag-apply lang?

'Pag hindi binati, snob na agad?
Hindi ba pwedeng hindi ka lang talaga pansinin?

'Pag nag-casino, sugarol na agad?
Hindi ba pwedeng tumambay lang?

'Pag nilalandi, crush na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang option?

'Pag blogger, writer na agad?
Hindi ba pwedeng nakikiuso lang?

'Pag nagmura, masamang tao na agad?
Hindi ba pwedeng galit na Iskwater lang?

Taenang 'yan!