HOY GISING, Ngayon!

Wagas ang kakupalan nito...
dzrhnews ted failon pwea yolanda

Mr. Ted Failon aired early this morning that most PAGASA people are not aware of what a storm surge is. According to him, this is because one PAGASA personnel died as a victim of a storm surge herself. (source)

Argh! Nakakapikon lang at gusto kong i-nail cutter ang utong nitong mokong na 'to!

Define Insensitive! Sqaure na lang tayo, Ted!

Pansin ko lang lately, hindi uso ang responsible journalism. Sana lang, kung hindi kayang maging balanse, magpalit na lang ng career para walang expectations.

Ngawa kung Ngawa!

I have 3 words for you Ted Failon...

Kung wala kang matinong masabi, manahimik ka. Kung walang nangangailangan ng opinyon mo, SHUT UP!

Count the words and do the Math! Kakagigil ka! 
Ok, let's move on!

Handa ka na ba Anderson Cooper?

Sa gitna ng kinakaharap na delubyong dulot ni evilish Yolanda, isang bagay ang nais kong sabihin...
'Pag may chance, tsi-tsinelasin ko ang inadobeng fez ng babaeng 'to:

Boy o Girl?

Ask me why... Why?
Kingina much ang mga hirit ni Ate at more more Best in bash lang naman siya sa isang respetadong uberly hot and yummy CNN Correspondent, Anderson Cooper.

Papa or Bex?
Ang puno't dulo ay kalat na sa mundo ng internet pero sa mga walang alam, listen up!
Itong si Anderson (wow, 1st name basis) ay bumiyahe from the states to Leyte upang mag-cover sa kalagayan ng Tacloban matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolandan aka Haiyan.

Let this video do the talking...

A foreign broadcaster reporting on mega-slow and not so effective government relief efforts. 
So, anong mali? 
Mali ba ang isiping after 5 days ay may mga survivors pa ring 'di nabibigyan ng tulong?
Mali ba ang sabihing ang bagal ng PHL government in terms of relief operations?
Mali ba ang maghatid ng balita base sa mga nasaksihang pangyayari?

Ano ang tama 'teh? 
The News Reader

Sa halip na tulong ay batikos ang sukli. Ang sabi niya, Daddy Coops didn't know what he's talking about. Ah ok! 

Swak sa sakto lang sana at pwedeng isiping tipikal na pagtatanggol sa pamahalaan. Kaya lang, the catch is, maybahay lang naman siya ng DILG Secretary aka Talunang VP aka Future Presidential Candidate aka Mr. Palengke. 

Ahhhh... future First Lady?!? So, more tsinelas to come?
Pikon much ako sa isyung ito at sa totoo lang, this is the least thing we need right now.

Last patol na 'to, okay?

One thing is for sure, may Kupal at Epal sa usapang 'to! Tsk...


Say what?

When Iskwater Meets Cyron Agustin of 'Hindi Ito Wholesome'

Ang bilis ng panahon pero walang masyadong bago. 
Maliban lang sa ating bagong featured blogger ngayong November. 

Isang masigabong palakpakan!!!

Heavy-gat ang level ng ating tampok na personal/humor blogger dahil imported siya from Europe. Purong Barakong Pinoy pero sa ngayon ay nagpapalaki ng bayag sa Budapest, Hungary. Sosyal noh?

If I were to describe this blogger, simple lang - walang kabastusan at kalibugan sa katawan. Wholesome at Rated PG. Syempre joke lang!

Halina't mas kilalanin natin siya...


- - -o 0 o- - -
Full Name: Cyron  Perez Agustin
Age: 23
Sex: Male
Location:  Budapest , HUNGARY. (Where all the people are hungry Hungarians)
Civil Status: Independently owned and operated
FB E-mail Address: agustincyron@yahoo.com or https://www.facebook.com/cyron.agustin
Twitter Account:  @_miso__

Kumusta ka naman?  
‘Eto, kakauwi ko lang. 

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
Ilang segundo akong nakipag-eyebolan sa aking laptop screen bago ako makapaniwala na ako ang  isinunod mong i-target.

What’s with the blog name, “Hindi ito wholesome”? 
Katulad lang din ng pangalan ng dotcom ko, wala ka talaga makukuhang sustansya, kabutihan o ikahahaba man ng iyong buhay dahil naglalaman lamang ito ng aking mga non-sense na opinyon sa mga bagay-bagay, tungkol sa aking buhay,  at mga kinginang kaganapan na nakakaputa ng aking buhay.

When did you start blogging?
2011 ng Abril ako nagsimulang mag-blog.


Tingin pa lang, ulam na! Wafu much?

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Isa kong kaibigan noong highschool. Napahanga ako sa kanyang mga sinasalitype sa MULTIPLY na ngayon ay isa nang malaking syet. Lahat ng espesyal na nangyayari sa kanya ay doon n’ya dinudura at ako naman bilang isang kupal na tagabasa ng kanyang obra e manghang-mangha.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Paborito kong post ay ‘yung liham ko kay lolo noong nakaraang taon na undas. Isang post ko na ikinalungkot  ko at sa kabila naman noon ay ikinabungisngis ko rin dahil sa mga alaala ko sa kanya na sigurado namang masasabing kong “PRICELESS!!” Maliit pa lang ako nung pumanaw sya kaya puro kalokohan lang niya kay lelang ang alam ko.

What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Bilang isa bagitong blogero, isang tanong ang aking malaking pagsubok at ‘yun ay ang tanong na: ‘Worth bang basahin ang sinasalitype ko?’

Sa aking opinyon, kahit walang sustansya ang iyong sinulat kung nakakaaliw naman at pampatanggal ng kinginang stress mo, kung may stress ka mang nararamdam ay masasabi kong worth basahin. Mapabayag ko man ang topic o kakupalan ng aking kapwa tao.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.

Gusto ko lang naman may maiwan akong bakas dito sa mundo natin. Kahit man lang dito sa mundo ng cyber.’ Yung totoo, sino ba naman ang gustong lumisan na wala man lamang bakas nya… Na may naiwang magpapaalala na once nandito ka, buhay at ‘eto ang mga shameless kakupalan na pinag-gagagawa mo noong buhay ka pa.


Smile na konti lang!

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Ayos sa olrayt ang humor ni Badoodles. Simple ang mga kwento pero lakas makasakit ng panga.  Inspired ako sa kanyang mga adventures at katulad din ng kanyang pangalan ng dotcom, kwentong barbero talaga.

‘Etong bloggera na ‘to, lakas ng trip niyang manlait. Malakas din niya laitin ang sarili. Pero again siempre my lesson din ang mga sinasalitype nya sa kanyang dotcom. Ayokong sabihin ito pero hindi ko gusto ang kangyang paglipat sa tumblr as her main crib dahil ‘yung mga post niya noon, hindi ko na mabasa uli.

3. Pareng Jay ng jaygamay.blogspot.com
Itong si Pareng Jay ay nakilala ko thorugh Mahal na Hari Pareng Archie. Lakas ng trip niya magpatawa sa kangyang mga posts. Sagana siya sa kalokohan.  Sa kasamaang palad lang ay huminto na siya. Nakakalungkot.

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Unforgetable experience sa akin ‘yung  may mapapadpad sa crib ko sabay iwan din ng kanilang syet sa aking post. Unforgetable ‘yon. Lalo na kung ‘yung syet niyang iniwan  ay may epek at kulang na lang ay idura ko ang plema ko sa basurahan ng kapitbahay ko.

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Main domain. Gusto kong magkaroon ng sariling dotcom. Ang angas kasing tingnan. ‘Yun lang siguro. 

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Kung ano ang kumana at mabuntis sa utak ko, ‘yun ang isisilang ko (teka parang ang laswa).

For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Worth reading ang isang post kung sa tite este title pa lang ay mapang-akit na, Photos na eyegasm at hindi mahabang basahin na parang maraming kang oras na pwedeng ubusin.


This image proves he's special! So Wholesome!

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Aminado ako sa sarili ko na nag-iiskip read ako.  Lalo na kung:
- mahaba
- ang daming paligoy-ligoy
- alam ko na ang kahahantungan

Anung comment ang hindi mo malilimutan?
Sa ngayon ay wala pa naman. 

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Paborito kong commentator si Meow Meow. Madalas ko kasi mapansin sa kanya na binabasa muna nya ang sinalitype ng may akda bago siya mag-iwan ng kanyang bakas. Hindi lang sa akin, pero sa ibang crib din na kanyang tinatambayan. 

What do you hate most about blogging?
ANONS!!!

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Hanggat may daliri pa ‘ko.

What will make you quit blogging?
Kapag may buwis ng nakapatong sa pagbablog.

How do you want to be remembered as a blogger.
Gusto kong maalala nila ako as a blogger na kahit gaanong walang sustansya ang kanyang post eh napkakapagpasaya naman.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Kung mag-iiwan lang din naman kayo ng syet sa crib ng may crib, siguraduhin niyong mabaho. 

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Parang male genitalia lang yan e. Sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.  Pero minsan parang bayag, masakit kapag nasaktan.

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Oo. May iskwater akong pag-iisip ,  pananalita,  at gawa. 

Trick or Treat?

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! 
Kapamilya o Kapuso? Kapuso
Jollibee o McDo?  Jollibee
Touch or See? Touch
Lights On o Lights Off? Off
Nora o Vilma? Nora
Mahal Mo o Mahal Ka? Mahal Ka
Face o Body?  Face
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? Matalingong Ugly
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex w/o kiss
Mabilisan or Take your Time? Take your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Maikli o Mahaba? Mahaba

- - -o 0 o- - -


Simple ang aming naging kwentuhan at natapos sa simpleng torrid kissing na tumagal ng 4 minutes (how I wish...).
Tulad ng kanyang mga obra, very light at chill ang vibe ng pagkatao ni Pareng Cyron. Astig at walang preno sa mga salita pero overall, wholesome naman. 'Di nga?


Please visit his blog at maging kapanalig ng gwapitong ito... Nawa'y maging bahagi kayo ng kanyang hindi wholesome na paglalakbay.
Please click the following link to check his site:


“Sa lahat ng bagay may puwedeng matutunan. Kahit sa tae pang nakaharang sa daan.”-Cyron Agustin

GAME OF LANDMARKS: Name That Place!

This game is inspired by an award-winning TV show in Net25, Landmarks hosted by Faye De Castro-Umandal shown every Sunday 8PM.



Hindi ko alam kung ako lang ba ang nanonood ng show na 'to. Super astig at educational kaya naman nakakahumaling! Hindi man ako adik sa travelling, I just find this show interesting kasi marami kang malalaman about sa featured place. Eh fave ko pa naman ang History since birth.

Okay, this game is very easy. Hulaan lang kung saan ang place based on the given picture. Within Metro Manila lang naman so chicken na 'yan! OK?

1.
 

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

So, nakailan ka? Only certified lakwatsero can nail this. 

What do you think?


Ooooopssss... Just a lil update.
I got a fan sign from Faye of Landmarks!

So Pretty!

dirty birdie

Sa mga lalaking natikman ang tamis ng aking kahubdan...

Sa iyo, Pareng Cyron Agustin ng 'Hindi Ito Wholesome' para sa kauna-unahang header.

 

Papa Pao ng 'Pao Kun: Mga Kwentong Kuneho' ...



At sa isa pang kaibigang blogger na ayaw magpabanggit...


Dahil sa inyo, naging mas makulay ang aking ulo... as in header!
Obviously, hindi ko na ginagamit ang alin man sa inyong mga obra pero super thanks dahil da best kayo!!!

'Pag nagkita-kita tayo in person, ipinapangako kong tutumbasan ko ang inyong kabutihang loob. 

Auto-subscribe kayo agad-agad sa UNLI-yummy kong body! Deal??? Una ka, Pao!

Kidding aside, mwah mwah sa inyo! Tsup... ahhhhh! 100X!

I just decided recently na ibahin ang anyo ng aking makipot na eskinita. 
I want it simple... and dirty! Simply dirty kumbaga! Berde is like birdie!

Kapit-kamay tayo at umasang ito na ang katapusan ng kasabawan! Gudlak!