Tuloy ang Buhay sa Kaunting Galaw


Sa ikapitomput siyam na ulit ay napagtanto kong hindi madali ang lahat...

Noong una'y inisip kong kakayanin ko ang mga pagsubok. Nang lumaon ay mas tumibay pa ang dibdib dahil marami rin ang nagtagumpay. Nalampasan nila ang ilang bahaging hindi naging madali. Tulad nila, natamo ko rin ang ilang kabiguan at kinailangang kumapit sa iba upang madugtungan ang buhay. Ginusto ko man ang sumuko sa laban, mas nanaig ang pagnanais na gaya ng ilan ay maabot ang matamis na wakas na inaasam.

Hanggang kailan matatapos ang iba't ibang misyon sa bawat kabanatang aking pagdadaanan? Nais ng maghimutok ng aking sentido sa tuwing mapagtatantong may hangganan o may limitasyon ang maaaring mga tamang galaw. Mapait ang malamang huli na ang lahat ngunit salamat dahil patuloy naman ang buhay.

Tila bahaghari ang samu't saring kulay na animo'y mga palamuti ngunit sa likod nito ay malaking balatkayo. Mas hahanap-hanapin ang pare-parehong tingkad na ihahanay ng aking mga kamay upang mas matiyak ang tuluyang pag-agos. Ito ang susing magtutulak na tahakin ang kasunod na pahina ng paglalakbay. Muling pagsalubong sa panibago at mas mahirap na pagsubok. Walang katapusan.

Sa kasalukuyan, gagapiin ang pagnanais na sumuko. Hindi bibitiw ngunit magpapahinga. Nawa'y matamo ang kaliwanagan. Tanging hiling ay ang walang sawang tulong mula sa mga kaanak at kaibigang pinagkakautangan ng buhay. Sa sirkulong ito, ako rin ay tuluyang mag-aabot ng mapagkalingang tugon sa mga pakiusap. Kahit tiket man sa byaheng inyong pupuntahan, asahang ako'y walang sawang magbibigay. 

Just make sure to send your request, okay?

Grabe! Ang hirap ng Level 79 ng Candy Crush!



Send me Lives!!!

Birthday Post: BROmance Game


"Ang tunay na Macho ay laging handa at hindi umaatras sa kahit anong mapangahas na hamon sa kanyang pagkalalaki."

Bahay-bahayan tayo! Ako 'yung tatay at 'yung nanay namalengke. Wala s'ya!
Ikaw 'yung kumpare ko tapos mag-iinuman tayo, malalasing tapos makakalimot tayo sa ating mga sarili at... alam na! Game?

Habulan tayo! 'Yung parang mataya-taya!
Kunwari nasa beach tayo maghahabulan at para mas kakaiba, huhubarin ko ang aking salawal at hubarin mo rin ang sa'yo. Game?

Titigan tayo! Ang kumurap, talo!
Tapos kung sino ang unang mataya, hahalikan ng torrid sa lips with feelings. Game?

Taguan tayo! Walang hanapan at ang mainip, gagahasain!
Ikaw ang taya kasi mas mainipin ako. Game?

Basaan tayo! Kunwari piyesta ng San Juan!
'Pag pareho na tayong basa, uwian na at sabay tayong maligo. Doon natin ituloy ang basaan. 
Game?

Baraha tayo! Poker para astig at masaya!
Kung sino ang matalo, lalagyan ng 98 na chikinini sa leeg! Oh, All-in na! No look!
Game?

 Laro tayo! Ako ang taya, paglaruan mo 'ko!
"Killer-killer" tapos ikaw 'yung killer. Sasaktan mo muna ako. Gawin mong makatotohanan para mas nakakaaliw. Huwag kang titigil hanggang hindi ako duguan. Iwan mo akong walang malay. Game?

Parekoy, anuman ang trip mo sa mga pagsubok na ibinigay ko, sasakyan ko!
Basta ipangako mong walang malisya dahil baka ma-develop ako. Game?

My Birthday Pakontes: Sasali ka ba?



Sa ika-23 ng Marso ay aking ipagdiriwang ang aking kaarawan. Ito ang aking kauna-unahang paggunita bilang isang blogero kaya't nais kong  ibahagi sa ilang mga tambay sa aking masikip na eskinita. 

ISANG MUNTING PAKULO

Inaanyayahan ko ang lahat na makilahok at labis kong ikatutuwa kung lampas dalawa ang makikisakay sa trip na ito. 

Ganito. Dahil bortdey ko naman, it's all about me ang theme. Balato niyo na sa 'kin. Just write 1 stanza with 4 lines na tulang patungkol kay Senyor Iskwater. Again, 1 stanza with 4 lines. Isang saknong ng tula na may apat na taludtod. Ok? (Naninigurado lang) Any medium of communication. Pwedeng seryoso, ma-drama, mahalay o kahit nakakatawa. Kahit ano. Walang mahigpit na rules at ang mahalaga ay nakakatawag ng atensyon at may kakaibang dating. Gets?

Deadline is on March 31 so you still have an ample time.

Prizes? 
Ako ay mamimili ng Top 10 at ang mga ito'y magiging bahagi ng aking next post.

Ang tatlong natatangi ay magkakamit ng...

3rd - Cupcakes + Starbucks GC from Arline of PinkLine

2nd - Sosyal na Book + Starbucks GC from SunnyToast

1st - Php 1000 Cash + Starbucks GC from Archieviner

'Wag na mag-demand ng mas malaking premyo. Wala ka naman masyadong puhunan at tsaka regalo mo na rin 'to. Aarte pa?

It starts now!!! Simple lang, send your entry here sa comment. Bawal ang multiple entries, hindi ako believer ng "More entries you send, more chances of winning...". Ok?

So, sige na, bagsakan na mga repapeeps!
Isip-isip din!

Street Smart Ka Ba?



May kakilala ka bang street smart?


Sa aking pagsangguni sa aking kaibigang si Google, napagtanto kong Street Smart is defined as:

"A person who has alot of common sense and knows what's going on in the world. This person knows what every type of person has to deal with daily and understands all groups of people and how to act around them. This person also knows all the current shit going on in the streets and the ghetto and everywhere else and knows how to make his own right decisions, knows how to deal with different situations and has his own independant state of mind. A street smart person isn't stubborn and actually listens to shit and understands shit."

Wow ha! Nasusulat naman pala talaga ang meaning ng street smart at tila mas malalim ang nais ipakahulugan kung hihimayin natin ang iba't-ibang terms na nasagasaan ni Mr. Righteous Google na pamangkin ni Ate Miriam Webster. 

Let's check some descriptions of a street smart...

1. Common Sense
     I believe that common sense is really not common nowadays. Isa na siyang super natural power at  bihira na siyang dala in everyday life. Kung ito ay requirement para maging tunay na street smart, kaunti na lang pala ang members ng circle.
     Sintido Komon para sa mga lumang tao, hindi kailangan ng mahabang isipan sa ilang simpleng bagay na dapat alam na ang sagot. Kung meron ka nito, may kakayanan kang itanong muna sa sarili ang isang tanong bago mo pa ito itanong para hindi magmukhang tanga... May tanong? Kung hindi mo gets, try next bullet dahil siguradong wala ka nito...

2. Understanding All Groups of People
     We all came from different walks of life pero hindi na natin kailangan maging manok para malaman kung ang isang itlog ay bugok... Matalinghaga? Adik lang... Kung rich ka and you expect people to be like you, may problema ka. Kung Iskwater ka just like me at hindi mo kayang makisabay sa kalakaran ng sibilisasyon, may problema ka rin. 
     Street smarts do not change people around them. They adjust accordingly and respect differences and diversity. Owwwwww... 

3. Knowing How To Make Own Decisions
     There are friends who we often call 'sponge' at sila ang mga may pagkataong dependent sa personality at eloquence ng kausap ang pagpapasya sa kung ano ang gusto nilang sabihin at gawin. 
Fickle minded sila in a way dahil madali lang maiba ang kanilang mga pananaw sa buhay.
     Sa panahon ngayon na lahat ay napipirata at naglipana ang mga peke which includes fake people with fake smiles, ang pagkakaroon ng disposisyon sa pagharap sa iba't-ibang sitwasyon ay kasinghalaga na ng paghinga para mabuhay, kung wala ka nito, you will be eaten alive at mawawala ka sa picture. Totally. Hindi ka mako-consider na street smart. 

4. Listening and Understanding Shit
     "Kaya maraming manloloko kasi marami ang nagpapaloko..." 
     Gasgas at hindi na updated ang saying na ito dahil lately it's proven na mas marami na ang willing and able na magpaloko compared to mga manloloko. Shit is shit and no matter how we look at it, mabaho, madumi at hindi kanais-nais kasi nga- Tae siya! Kung every strolling at the park ay nakakatapak ka nito, hindi ka maingat. Puede ring Tanga ka.
     We hear different stories from people and we should be able to identify which are far fetched and which are legit. It is good to know kung lokohan o hindi para alam mo kung ano ang tamang responses.

5. Not Stubborn
     Being street smart is not a skill, it's an attitude. People who are genuinely a street smart do not even know that they are. If you look down to people because you think you are mentally superior, ekis ka! 

So, Street Smart ka ba?


***

Santa Santita


Demonyo at mapagsamantala,
Kasumpa-sumpa't nakakairita!
Sa mapanirang istorya'y bida ka,
Kahit puro imbento, mabenta pa.

Hiyang-hiya sa'yo si Hudas,
Sa diskarte mong ma-boladas;
Hanep na daldal, iyong alas,
Hatid na kwento puro malas.

Mas masama ka pa sa Diablo,
Karma ka ng angkan niyo!
Simulan mo na ang pagtakbo,
Hinahabol ka ng konsensya mo.

Ang amo mo ba'y si Satanas?
Sa impyerno ba, ikaw ang batas?
Doble Cara ka at talipandas,
Kasinungalingan mo ay wagas.

Ikaw si Lucifer na tunay at bago,
Bertud mo ang dilang may asido;
Mga kubling lihim na ngayo'y bistado,
Magtago ka na sa itim mong mundo!

5 Types of Tontaness


Ito ay kathang nagbibigay pugay sa katangahan...

Let me give you some obvious descriptions of Tontaness in various forms.

1st - Booba/GLP

This is our local version of Dumb Blonde. Try to observe some of the people you know na Cap Z ang dudang, most of them - walang sustansiya kausap. Kung meron man, limited topics lang on Fashion, Showbiz or anything about chizmiz. Hindi lang naman sa breast size limited ang qualification (kaya nga Booba *slash GLP  or Ganda Lang ang Puhunan). From the word itself, usually 'pag magaganda, walang laman ang kukote. I don't wanna be  too harsh pero matumal talaga ang mga may mala-artistang face na, super brainy pa. It happens pero 1 in every 3,203 people ang ratio nito. 

2nd - ME-MA Don-Don

Me-Ma is a colloquial term for "May Masabi Lang" and Don Don is short for Dunung-dunungan. These are the dumbfounded pals na in denial pa at taglay nila ang agimat ng kawalang saysay. Sila 'yung mga Shungaerz na parang si Kuya Kim Atienza na kung umarte ay maraming alam pero wala rin namang substance. Most of the time jimbenters  o gawa-gawa lang ang mga hanash nila sa buhay. Dapat mag-ingat sa mga taong ito at sa mga dala nilang information. In conviction sila magbitiw ng mga aakalain mong legit na trivial details pero ang totoo ay fabricated lamang.

3rd - PANI PEOPLE

When I said that stupidity is contagious, I meant it... Pani stands for "Paniwalain". Kumbaga sa kantang 'Bahay-Kubo, sila 'yung next to kundol which is Patola or simply - MAPAGPATOL. Ang pagiging Pani ay isang resulta ng kadalasang pakikipag-usap sa mga Me-Ma Don Don. 'Yan, nakakahawang katangahan talaga. Sila ang mga may scarcity sa stock knowledge kaya kung ano lang ang marinig o mabilisang mabasa, more store na agad ng info sa tiny hypothalamus nila for future use. Madali silang mapaniwala. Gullible lang! 

4th - GERMAN

German represents a foreign language that the brain uses when absorbing information. Sa kung anung kadahilanan na hindi ko maintindihan, may mga friends talaga tayo na super 1 km per hour ang speed ng pick up. Ito 'yung mga friends nating kasama natin usually sa any outdoor events at kapag kinuwentuhan mo ng stories or even jokes, it usually takes them 24 hours (minimum) bago ma-gets at mag-react. May ibang lenguawaheng gamit ang brains nila. One time, I had this friend and after kong mag-joke, silent lang at more changed the topic siya. The day after, I got a text from her saying that the story was superbly funny. Ganun katagal niya naproseso ang punchline ng stroy. Oh yes! One more thing, mapanlinlang sila, it's either no reaction ang drama nila or more change the topic para hindi halatang nga-nga sila. Maraming ganyan, pwamiz!

5th - UBERLY NICE BACKSTABBING BI*CH!

Sa mga taong dalawa ang mukha, I consider them as Tan-G-A as well. Mga feelingera na walang hangganan ang Traitorness. Sila 'yung super angelic in front pero devilish when you're not around. Attitude problem ito so usually sila 'yung walang masyadong permanent friends. Kaya dapat  mag-ingat sa mga new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo. Usually ang victims nila ay ang mga previously enumerated types.

Mahaba pa ang listahan ng Dumbness Kingdom at sa dami ng classifications ng mga species na ito, may cross breed na rin na nagaganap. Malapit na nilang ma-invade ang universe at tuluyang palawak ng palawak na ang nasasakupan nila. 

Dito lang sa Pinas may PartyList sila. Would you believe si Mikey Macapagal Arroyo is in Congress representing the Tricycle Drivers?!? Nakakatanga lang diba? 

Kaya nga look around... The moment you see people around you who belong to the family of Tontaess, hug them.... caress them... pamper them... That means a lot to them... When they ask why, tell 'em we simply care... For real!

Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!

Nag-uumapaw na Kaligayahan


Nilanghap ko ang alingasaw ng sistemang aking kinalakihan sa looban. Sanlaksa ang hindi kaaya-ayang amoy ngunit hindi mapigil ang pagsinghot ng mga kalakarang taliwas sa dapat ay matuwid na prinsipyo. Dahil salat sa karangyaan, nangibabaw ang pangangailangang mapunan ang kalam ng sikmura. Gumawa ng hindi tama. Minsan, nanlamang sa kapwa. Nang mahimasmasan, lugmok sa pagkakadapa at nanlimos sa kawalan upang baguhin ang baluktot na simulain.

Naulinigan ko ang nakabibinging pangugutya sa tulad kong walang kakayahang sumabay sa agos ng modernong pagbibihis ng henerasyon. Patuloy man sa pagpupumilit na magkaroon ng makabuluhang puwang, ilang mga bulong ang sumupil sa aking pagnanais na iwaksi ang kamangmangan. Mabuti na lamang at mas dininig ang ingay mula sa nag-aalab na dibdib. 


Tinikman ko ang inakalang buhay na puno ng linamnam ngunit nang lumaon ay nakasanayan ang paglasap ng pait sa tuwing madadaig ng hinagpis na bunga ng kakulangan. Mula kabataan ay kinagisnan ang kamalayang mas angat ang iba sa karangyaan. Nabuhay ang inggit at naging gabay ito upang hanapin ang susi sa karuwagan.

Nasilayan ko ang bawat bakas ng panaghoy mula sa mga kaanak sampu ng mga kapwa nagdadalamhati sa kapalarang idinikta ng tadhana. Batid man ang munting hiling sa pagdating ng liwanag, kinailangang gapiin ang mga mapanuksong kinang na dulot ng liko-likong lagusan palabas sa madilim at malubak na eskinita ng karukhaan. Hindi naging madali.

Nadama ko pati ang mga munting galos nang suungin ang matalahib na daan. Ninais indahin ang lalim ng mga sugat na kinaharap ngunit mas nanaig ang mahigpit na kapit sa pananampalataya. Hindi ko alintana ang panlilibak ng lipunang ginawang tampulan ng sisi at panghuhusga ang pamilya kong matagal na ring nakatanghod sa mga baryang galing sa pitaka ng pag-asa.

Sa kasalukuyan ay nagsusumiksik sa aking utak ang pitak ng kahapong sumasalamin sa aking buong pagkatao. Gamay ko na ang labas-pasok na ginhawang matagal na inasam ngunit malakas pa rin ang hiyaw ng aking sentido na maghasik ng paghihiganti sa mga nagbigay ng sandamakmak na pilat sa puso kong lubos na sinugatan ng nakaraan.

Aking naamoy, narinig, nalasahan, nakita at naramdaman ang lahat ng uri ng pagmamalabis. Nalampasan ko ang mga higanteng dagok ng buhay at sa ngayon ay tinatamasa ang tamis na dati'y pangarap lamang. 

Totoong libre ang mangarap pero hindi ang pag-abot nito. Nagsilbing kabayaran ang buhay ng aking ama upang sumidhi ang aking pagnanais na kumawala sa rehas ng kahirapan. Naging matagumpay ako ngunit habambuhay kong dama ang pangungulila sa isang taong karapat-dapat sa nag-uumapaw na kaligayahan.

Antoxickness at Its Best


Gusto mo ba ng...

Nakakatawa?
Pumunta sa Comedy Bar o kaya ay bumili ng books ni Gary Lising o ng Pugad Baboy. Pwede ring makinig sa Tambalang Balahura at Balasubas o kay Papa Jack ng Love Radio. Manuod ng Mr. Bean series or Bubble Gang every Friday.

Ma-drama at Nakakaiyak?
Abangan tuwing Sabado ang Maalaala Mo Kaya sa Kapamilya network o ang Wish Ko Lang sa Siyete. Pwede ring dumalo sa simbahan ng funeral mass at makidalamhati sa mga kaanak ng pumanaw.

Something Religious?
Magsimba tuwing Linggo o basahin ang Bible (cover to cover).

Informative?
Pumunta ka sa website ng Guiness o Wikipedia. Gawing tambayan ang library o bookstores nang makapili ng mga babasahing ayon sa sariling interes.

Romantic at Nakaka-in-love?
Bumili ng Precious Heart Romance pocket books o Nicholas Sparks novels. 

Istorya ng Kabastusan at Pampagana?
I-type sa Google ang mga mahahalay na salita at matagumpay na makikita ang mga super effective at inspiring porn stories. Go to images upang maging well motivated.

Current Events and Politics?
Pumunta sa pinakamalapit na newspaper stand at makibasa kung walang pambili o hindi kaya'y makinig sa kahit anung himpilan ng AM radio.

Adventure?
Maglakad ng walang tiyak na patutunguhan. Medyo nakakapagod ngunit sulit. Maaring subuking tahakin ang kahabaan ng EDSA from North to South at bilangin ang mga sasakyang kulay dilaw. 

Pictures and Artworks?
Bukas ang National Museum mula Martes hanggang Linggo.

Iba't ibang Pagkain?
Libutin ang Pinakamalapit na SM Food Court.

Nakakagigil na galit?
Tumambay lang sa Iskwater na looban at abangan si Senyor upang makipaghalhalan ng walang humpay. Huwag tumigil hanggang walang napipikon kahit umabot sa pisikal na sakitan.

Simple lang naman ang buhay at hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang karamihan, ginagawang komplikado ang lahat. Mahilig maghanap ng wala at magtanong ng mga bagay na pwede namang gamitan ng common sense.

Laging naghahanap ng wala at laging pinagdidiskitahan kung ano ang kulang. 

'Wag masyadong magpakamalalim dahil sa maniwala man o hindi, nasa kababawan ang tunay na kahulugan ng kaligayahan. 

Ang sarap matulog 'pag inaantok.

Love, Love, Love... and its Hidden Truth

'Pag nagmahal, dapat kayang pahintuin ang mundo para sa taong minamahal...

Woooooooohhhhh! 

Ang sarap umibig! 

Lahat gumagaan at lahat nagiging tama. Mararamdaman mo ang sarap ng pagpikit habang nakangiting nakikipaghabulan sa bawat buntong hininga. Nakakatulala. 'Yun bang siya lang nakikita mo at tanging pangalan lang niya ang bukambibig mo. Ayaw mong matapos ang oras na kasama siya kahit tila mga titigan lang ang nagsisilbing usapan. Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang may kung ano sa sikmura pero wala naman talaga? Wala lang. Masaya ka lang. Sobrang napakamakulay ng iyong daigdig sa mga sandaling dama ang bilis ng tibok ng dibdib. Oo, pag-ibig ang tawag dito.

Pero siyempre, dapat magpakatotoo at tanggapin na hindi lang tungkol sa kilig ang lahat. Sa simula lang 'yan. May mga masasalimuot na bahagi at hindi laging sarap. Ano ka sinuswerte? 

Nabalitaan mo ba ang pagpapakamatay ng anak ni Cesar Montano? Ano'ng dahilan?! Nakipaghiwalay lang naman ang kasintahan at 'yun, hindi kinaya. Tinapos ang buhay.

'Yung barilan sa isang mall? Narinig mo ba 'yun? Dahil lang naman 'yun sa pakiki-apid ng babaeng biktima sa asawa ng may asawa. 

Ilan ang kakilala mong babae ang nagkukumahog ngayon sa pagbabanat ng buto para itaguyod mag-isa ang anak? Nasaan ang ama? Nasa piling ng iba.

Magkano ang gastos sa settlement para maging smooth ang anullment process? It costs an arm and a leg. 

Bilang mo ba ang ubod ng dami ng patayan na ang ugat ay maling pag-iibigan? Sobrang dami!

Marami ang mga kabataang napariwara, nag-adik, naging magnanakaw o nag- asawa ng maaga dahil hindi nabigyan ng sapat na atensyon ng mga magulang na maagang nagkahiwalay. Maagang nanawa sa pag-ibig ang mga 'yan.

Ilang tawag ng pangarap ang hindi pinakinggan dahil mas binigyang pansin ang tawag ng puso? Naging kasagutan ba at naging susi tungo sa karangyaan? Hindi.

Marami na at parami pa ng parami ang nagiging tanga sa pag-ibig na 'yan. 

Haaaaayyyy... 

Kaya't kung ikaw ay kasalukuyang nagmamahal at damang-dama mo ang sarap - LUCKY YOU!

Always remember, matatapos din 'yan at kung hindi, okay! Good job!

Gaano na ba kayo katagal? 

My parents got separated after 20 years of marriage. Just sharing.