Ituloy ang kaadikan sa paglilista...
Halina at sumama sa paghahanap ng ideal lifetime partner.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga qualities na dapat hanapin sa isang mapapangasawa:
(Oh Yes! Asawa agad dahil doon naman dapat mapunta ang lahat.)
(Oh Yes! Asawa agad dahil doon naman dapat mapunta ang lahat.)
1. May Hitsura
Chismis lang na mas importante ang kalooban kaysa panlabas dahil ang mga certified chaka lang ang may ganitong kalakaran pagdating sa pag-ibig. Mas masarap ang kiss muna bago pikit at hindi pikit muna bago kiss (dahil sa hindi masikmurang hilatsa ng pagmumukha ng iyong kabiyak). Sapat na ang presentable or average looking for as long as walang taglay na sumpa sa genes na pwedeng maipamana sa mga kawawang offsprings.
2. May Pera
Magkaiba ang charity at pag-aasawa. Ang pagtulong ng walang hinihinging kapalit ay katangahan at hindi pagmamahal kung i-a-apply sa pag-aasawa. Hindi requirement na mayaman pero dapat marunong tumayo sa sariling paa. Paano na kung ma-tegi ka ng maaga? Paano ang future ng mga kids? Dapat marunong dumiskarte at may kakayanang kumita para mas give and take rin. Bawal ang financial abuse sa relationship. Hindi ka kabuhayan showcase!
3. May Pangarap
Ang taong nga-nga sa buhay ay walang mararating. Competitive ang market so kung hindi sapat ang kung ano ang meron sa kasalukuyan, daanin sa matayog na pangarap na magsisilbing inspirasyon upang makamit ang magandang hinaharap. Ang pangarap ay walang silbi kung hindi inaaksyunan so dapat galaw-galaw rin. Basta dapat may pangarap at hindi madaling makuntento! Hindi complacent. Ganyan. 'Wag mag-asawa ng taong wala kahit ni isang pirasong pangarap. No!
4. May Sense
Ang 'slowly but surely'ay magandang pamantayan sa maraming real life tasks pero hindi sa paghahanap ng best candidate for a lifetime partner. Meaning, ang taong slow ay hindi kailanman maaaring maging 100% sure choice. Ang pagkapurol at pagkasabaw ay namamana so habang maaga, never settle with someone with no sense at all kahit pa perfect ang looks o body. Lilipas at kukupas din ang mga yan pero hindi ang smartness at sensibility.
5. May Balls
'Pag balls, bayag agad? At 'pag bayag, bastos agad? Hindi ba pwedeng 'paninindigan' ang ibig ipa-kahulugan? Pwede naman.
Mahalagang may sariling paninindigan ang katipan. Hindi lang sunud-sunuran. Eh 'di sana nag-alaga ka na lang ng puppy. Maraming challenges and decision makings na magaganap sa buhay may asawa kaya mas maayos kung magkatuwang kayong mag-iisip ng powerful formula to iron out ang anumang gusot. Piliin ang taong may boses at firm sa decision lalo na kung para naman sa ikagagaan ng mga bagay-bagay.
6.May Respeto
Hindi lang 'Po at Opo' o ang superb sweetness ang tunay na sukatan ng pagiging magalang. Dapat walang tapakan ng human rights. Hindi mapisikal. Hindi mapang-verbal. Hindi potential murderer. Ito ang mga super important characteristics ng prospective asawa. To be sure, i-check ang Police at NBI Clearance bago makipag-commit. Ang respetong taglay ay dapat nasa isip, salita at gawa. Kung bofriend-girlfriend pa lang ay kakikitaan na ng kabastusan sa'yo o sa iba, alam na! Ekisin na 'yan agad-agad.
7. May Consistency
Sino ang gustong makapag-asawa ng Bipolar? Wala. Kailangang maging observant bago pa man ang pakikipagtaling puso. Marami ang mapagpanggap at eng-eng na pa-impress during 'Dating Stage'. Kaya nga maraming naghihiwalay sa tuwing nagkakaalaman ng tunay na kulay at tunay na asim sa katawan. Kung bet na i-dedma ang katangiang ito, be equipped with undying patience at tibay ng sikmura.
Make sure to be with someone who's not perfect but consistently genuine.
8. May Performance
Hindi sapat ang salita. Performance matters. Kahit sa sex na importanteng sangkap sa relasyon, ang lahat ng kakulangan ay mapagtatakpan kung performance level. Ayaw ko ng palawigin at baka kung saan pa mapunta.
9. May Arte
Ang labis na kaartehan ay hind lang nakakapikon, nakakabanas din. Pero sa married life, mahalaga rin na may arte ang iyong mapapangasawa, ibig sabihin lang, pasado ka sa standard ng pag-iinarte niya. At since ikaw na ang napiling ka-isang dibdib, dapat lang na ituloy niya ang arteng meron siya in terms of pagtikim ng ibang putahe. Hindi dapat 'yung subo lang ng subo ng nakahain. Kung bawal kainin, hind dapat kinakain. Dapat may arte na ikaw lang ang tunay na makapagbibigay ng tunay na lasang kanyang hinahanap-hanap. Gets?
10. May Magic Sarap
Ay asus! Hindi madaling maghanap ng kumpletong sangkap para ma-achieve ang complete happiness sa married life. Hindi madali pero hindi siya gaya ng nangyayari sa Balete Drive na isang urban legend. Nangyayari naman ang forever after sa tunay na buhay. Kaya nga sa kabila ng mahabang listahan ng qualities of an ideal partner, most important ang item na ito. Ano ang Magic Sarap? Ito ang katangiang kayang ibasura ang previously mentioned items dahil sa taglay niyang Magic at Sarap. 'Yung tipo bang, you feel that everything is perfect when you are with that person. Wala siyang kumpletong qualities na hanap mo pero kaya niyang paikutin ang iyong mundo. Nasa kanya ang hindi maipaliwanagang na sarap sa lahat ng anggulo.
Eeeeeehhhh... I can't explain lang pero for sure marami ang relate na relate.
Literally, hindi ko talaga maipaliwanag.
Help me out here. Would you?