Ispeyshal ang month of December dahil sa bigating panauhin sa aking tambayan. Ang binibining blogger sa likod ng one of the 100 Pinoy Blogs That Matter of 2013.
Heto pa, ilang beses na rin siyang naging panelista o guest reviewer sa Pop Talk ng GMA News TV. Astig, diba?
Walang duda at may puwang talaga siya sa daigdig ng blogging. I had a chance to meet her in person at sobra - walang ere, angelic at super magaan kausap ang taong 'to!
Her blog has been my reference sa mga hit na chibugan sa Metro Manila.
So far, spot on and useful ang kanyang mga reviews.
Halina't mas kilalanin natin ang pretty chinta food blogger ng Malabon City.
Full Name: Stephanie “Sumi” Go
Age: 22
Sex: Female
Location: Malabon, Philippines
Civil Status: In a relationship
FB E-mail Address: https://www.facebook.com/thepurpledoll
Twitter Account: @sumirehana013
- o 0 o -
Kumusta ka naman?
Maayos naman. Medyo busy-busyhan lately, pero eto mas lumuluwag na ang schedule kaya kahit paano nakakahinga na. Haha! Kung love life naman ang usapan, maayos na maayos! ;)
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Sa totoo lang, gulat. May mga nag-interview na rin sa akin dati as a blogger, pero ibang lebel ang interviews mo, Senyor! Halong kaba at saya para sa akin, dahil alam kong di lang about blogging ang interviews mo. Talagang lalabas ang personalities ng interviewees.
Why Food Blog?
Gaya ng marami-rami kong nakilalang bloggers, napadpad lang din ako sa niche ng food blogging. Nagsimula talaga ang “The Purple Doll” bilang personal blog – lungga ng isang kulay kong buhay, mga kakikayan, at kung anu-ano pang gusto kong ipangalandakan sa mundo. Napunta lang ako sa food blogging dahil sa walang kamatayan kong pagtatakaw.
Nung napansin kong puro food-related at restaurant reviews na ang laman ng blog ko, naisip kong mag-rebrand at gawing food blog na talaga ang “The Purple Doll”.
What’s with the blog name, “The Purple Doll”?
Favorite color ko kasi talaga ang purple, kahit parang naging pink-lavender-violet ang color scheme ng blog ko. Toinkz!
Like I mentioned, di ko talaga intended gawing food blog ang “The Purple Doll” kaya nung bumili ako ng domain, naisip kong i-take on ang dainty identity na ito. Plano ko pa nga dati, magpost ng mga make-up looks at reviews saka gumawa ng mga OOTDs.
Eat. Play. Blog... and eat gain?
When did you start blogging?
'Yung totoo, 2005 pa lang nagba-blog na 'ko. Remember 'yung blog feature ng Friendster? Dun ako nagsimula. Then, nasundan ng Livejournal, Blogspot at Multiply. Yun nga lang, dati parang online diary ko lang ang blogging para sa akin. If curious kayo, may latak pa yung mga luma kong blog. You can read them for the lolz. (Here and here.) Haha!
Noong 2008 or 2009 ata, alam ko gumawa ako ng blog, ThePurpleDoll.com. Self-hosted Wordpress pa yun ah! Yun nga lang, nagka-server issue ang host ko at *poof* nawala na ang blog ko. Noong 2011 habang nag-aantay ng college graduation, naisip kong magblog ulit. Gusto ko sana buhayin ang ThePurpleDoll.com, pero ang mahal na sobra ng domain. (Eto tip, ‘wag niyong pababayaang mag-expire ang domain niyo nang matagal. More often than not, ‘pag gusto niyo na ulit buhayin, overpriced na.)
As you can guess, .net nalang binili ko para mas mura. Haha!
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
No doubt, it’s my love for writing, photography and graphic/web design! Lahat kasi ng ito magagawa ko sa blogging. Siguro dati, love for writing lang (circa 2005). Pero ngayon, tinitingnan ko na ang blogging as my creative outlet.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Naku, mahirap ‘to for me. Sa totoo lang, wala akong favorite post sa blog ko. Equally kong mahal bawat restaurant reviews at random posts dahil bawat isa sa kanila pinaggugulan ko ng oras at effort di lang sa pagsusulat at photo post-processing, pati na rin sa coding.
Sa kabilang banda, tingin ko wala pa kong favorite talaga dahil para sa akin wala pa akong post na masasabi kong influential o inspirational. Ito yung reason kung bakit nakukulangan pa ako sa blog ko. Siguro dahil sa pagiging trying hard kong maging objective at diplomatic, nawawala ang personal touch.
Live Green. Start with your Hair!
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Aside from getting people to notice your blog, I think personally, ito ang biggest problem ko…
Writer’s block. Sa niche kong food and restaurant reviews, malabo akong maubusan ng topics at potential content dahil araw-araw naman akong kumakain – lutong bahay, fast food, restaurant dishes, etc. Yun lang, dahil madaming material available, mas natatambakan ako at gabundok na ang backlog ko. Haha! Isama mo pa diyan ang stress at kawalan ng oras on certain days… Kahit gusto kong magpost ng bagong entries, may mga instances lang talagang di ko magawa.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Considered niche ko na ata ang food blogging. But I think with The Purple Doll, I might delve more into lifestyle.
As a blogger naman in general, gusto kong maging active sa personal blog ko – Sumi-Chan.Me. Dito ko susubukang mas magpakatotoo and just write about anything under the sun. Masyado na kasing diplomatic ang tone ko sa The Purple Doll.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
XiaXue. She’s a controversial blogger in Singapore, with many fans and as many haters. Kahit iba ang niche niya, her honesty and straight-forwardness make me admire her. It’s these values that I want to embody too as a blogger.
Lizzie of Pretty-Ugly. This girl is such a badass, and a dainty lass at the same time. Every entry has a dash of humor and large doses of sarcasm which makes for an amusing and rofl-ing reading. She’s multi-talented too, and not to mention, pretty.
Then there’s also Leslie of Shoot First Eat Later. I know there are a lot of food bloggers in the country, but Leslie’s is the very first food blog I’ve read and followed even before I started The Purple Doll.
Bangs Kung Bangs!
Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Pwedeng hindi lang isa? Una, ang ma-feature as guest reviewer sa Pop Talk on their “Basta driver, food lover” and “Kapitolyo Food Trip” episodes. Kahit di ko pinangarap ma-TV, nakakataba ng puso na napansin nila ang munting food blog ko. Second, ang makakilala ng mga totoong kaibigan in the blogsphere. At third, ang ma-feature dito sa blog mo, Senyor. Kahit may interviews na rin ako sa ibang blogs, ito ang pinaka-favorite ko! Wala ‘tong halong bola, okay?
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Hmm… Siguro yung ginawa kong branding sa blog ko. Dapat di ko na pinangalandakang food blogger ako at nakuntento na ko sa pagiging general/personal blogger. Ngayon kasing streamlined ako in food blogging, parang gusto kong bumalik sa bigger category para wider ang range of topics ko.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
- Prepare the photos. Pinipili ko muna yung mga magagandang shots, then post-process ng konti para mas mukhang malinamnam, bago lagyan ng watermark.
- Upload lahat ng photos sa Flickr, then may isang photo sa TinyPic ko inuupload para yun ang official thumbnail.
- Write the entry at coding simultaneously. OC na ko kung OC, pero gusto ko malinis ang html ng posts ko at pantay ang photos sa text.
- Minsan, break muna ng ilang minutes. Check ng FB, magtitimpla ng kape, manunuod ng anime, magtetelebabad.
- Back to finishing the blog post.
- Either hit publish, or ipu-proofread ko muna bago i-publish.
Feeling blue?
For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Kung may mapupulot ang reader dito, ito’y worth reading. Sa kaso ko, as a food blogger, dapat may nakuha man lang kahit konti ang reader ko – mga restos na magandang kainan, restos na dapat iwasan, itsura at prices ng dishes na gusto nilang i-try, address at telephone number ng establishment, etc.
As a blog reader naman, basta may impact ang post sa akin, masasabi kong di nasayang ang oras ko sa pagbabasa. Pwedeg naaliw ako, nainis, nakakuha ng aral, nakapulot ng bagong words.
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo naman! Pero masasabi kong bihira ko lang ginawang mag-skip read. As much as possible kasi, tinatrato ko ang bawat blog in a manner na gusto kong treatment for my own blog. So sorry sa mga blogs na skinip read ko. Talagang hindi ko lang sila kinaya!
Anung comment ang hindi mo malilimutan?
Dalawa actually. Una eh yung comment na nareceive ko nung nagsisimula pa lang akong magfood blog. Sinabihan akong gaya-gaya sa photography style. Di ko talaga naintindihan yung point ng commentor, kasi wala naman siyang definition ng ginaya kong style. ‘Pag ba si Blogger A eh mahilig mag-crop ng photo, at nag-crop ka rin, eh considered gaya-gaya ka na? Nung tinanong ko siya na paki-elaborate, di naman nagreply. Personally, I appreciate feedback from my readers ‘cause it’s their critiques that make me grow and help me improve. Pero sana, sabihin nang maayos at ‘wag parang nang-aakusa. Ika nga sa food blogging, don’t just say “It tastes bad,” or “It’s so yummy,” sabihin mo naman bakit pangit lasa o bakit mo nasabing masarap.
Yung pangalawa, di ko na ise-specify. Basta ito yung set of comments na nakaka-wow mali. Yung tipong gusto mong sabihan na, “ma’am/sir, sana di na kayo nagcomment. Napaghahalataan lang tuloy na di kayo nagbabasa.”
Kay Gandang Babae! Sino ang Nanay niya?
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Parang wala naman akong pinaka-favorite. Lahat naman ng nagcocomment sa blog ko, gusto ko. Kahit yung mga napilitan lang magcomment, ginugusto ko na rin. XD
What do you hate most about blogging?
The drama. Di man ako nagcocomment about certain issues within the blogsphere, nakakarindi lang marinig minsan. Pero what can we do? Sa lahat naman ata ng fields hindi ito mawawala.
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Hangga’t kumakain pa ko, magba-blog pa ko… Sana. Realistically though, hangga’t kaya ko ipasok sa oras ko.
What will make you quit blogging?
‘Pag wala na ‘kong oras.
How do you want to be remembered as a blogger?
'Yung magandang food blogger. Charot! Hahaha! Seriously, simple lang… as The Purple Doll.
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Thank you to each and every one of you. Nagsimula akong magblog para lang aliwin ang sarili ko. Di ko naisip na magkaka-readers ako. Thank you sa support, sa visits and sa comments. Hopefully, we’ll have a longer and stronger bonding. I’ll definitely try to make The Purple Doll a better blog!
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Masasabi kong ang iskwater ay klase ng taong mahirap maintindihan. Napaka-kumplikado at puno pa ng irony. Masaya kahit salat, may kotse kahit walang lupa, mabait pero bastos, praktikal pero magastos.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Sa superficial na pananaw, hindi. Pero base sa definition ko ng iskwater, oo. Nabubuhay ako na puno ng irony. Pilit ko mang magpaka-sosyal, jologs pa rin ako. Matipid man ako sa damit at mga gamit, magastos naman sa pagkain.
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapuso.
Jollibee o McDo? McDo.
Touch or See? See.
Lights On o Lights Off? Lights on.
Nora o Vilma? Vilma.
Mahal Mo o Mahal Ka? Mahal ako.
Face o Body? Face.
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong di masyadong ugly.
Younger or Older? Older.
Payat o Mataba? Payat na toned.
Smoke or Drink? Drink.
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o sex.
Mabilisan or Take your Time? Take your time.
To Eat or To Be Eaten? To be eaten.
Maikli o Mahaba? Mahaba.
- o 0 o -
Featuring someone like Sumi is one of my greatest blog experiences. Swabe at siksik sa sustansya ang kanyang mga sagot. Pinag-isipan at dama mong hindi pa-impress. Agree?
Please visit her blog. Now na!
Go… You wouldn’t appreciate life if you’re always too afraid.
Grow… Mistakes and failures will make you stronger, so don’t run away.
Glow… Learn to love yourself and share your radiance with others. Give meaning to your life.
- Sumi Go