Wala Akong Year-End Post

Ito ang aking kaliwang kamay...






...at ito naman ang kanan!




Nais ko munang ibahagi sa lahat na sa oras na ito ay kumpleto ang sampung mga daliri sa aking dalawang kamay. Handa na akong magpaputok ng wagas at nawa'y gabayan ako ni Bathala. 

Ito lamang ang pagkakataon upang mas maging masaya ang 2013 dahil ako ay naniniwala sa pamahiin ng mga Intsik na sa pamamagitan ng pag-iingay kasabay sa pagsalubong ng Bagong Taon ay ang siyang tuluyang daan sa pagtataboy ng kamalasan.

Ginawa ko ito noong nakaraang taon at sa katunayan ay naging masuwerte naman at buhay pa ako sa ngayon. 
Suwerte na iyon diba?

Wala akong tradisyonal na year-end post sapagkat sapat na aking isinasapuso at isinasagawa ang mga aral na aking napulot sa bawat mga taong nakilala, mga bagay na ginawa at mga biyayang natamo sa taong 2012.

Paalam 2012!!!

Maraming Salamat sa Pagsakay sa aking Ka-Iskwateran at muli tayong magkulitan ngayong 2013!!!

Ano ang Tagalog ng Scarf?

Masaya ang daigdig ng pagsusulat dahil sa samu't saring mga pagsubok na kinakaharap. 

Nariyan ang marami kang naiisip ngunit hindi nakikisama ang panitik at mga pahina. May mga pagkakataon namang labis mong minahal ang isang post subalit walang nakakabasa o hindi kaya'y walang nakaka-appreciate. 

For a newbie like me, kering-keri pa naman pero ako ay natatakot na mapabilang sa biglaang pagsasara ng ilang mga blogsites. Afraid! Nakakatakot sapagkat mahal na mahal ko ang pagsusulat. Paano kung wala ng bumasa ng aking mga future great works of art? As if...

Kaya bago man ako mawala sa daigdig ng blogosphere, sana man lang ay may mahita akong mga bagay na magpapaalala na minsan sa buhay-iskwater kong ito, ay nakibahagi at nakiuso rin ako sa mundong ang karamihan ay mga sosyal....

Kaya.... (drum roll) segue na!

Heto na... Bilang tugon sa malawakan patimpalak na inilunsad ng isa sa mga kaibigang bloggers na si Hi! I am LiLi ng http://lildivine.blogspot.com, ang pahinang ito ay nilikha upang maipalam sa buong universe ang kanyang mga uber ganda at pangmayamang gawa.

Kung nais malaman ang ilan sa mga ito, sugurin na ang kanyang FB page sa https://www.facebook.com/iheartJune22.

Jofcors, you know the routine, paki-Like na agad-agad!!! Dali....

Isa sa da best niyang gawang kamay na obra ay ito:

Scarf Kung Scarf

Bilang isang kapos, hindi ko talaga afford ang mga ganitong mga cool items. Hanggang tingin lang. Since ginawin ang mga taong tulad ko, ang scarf ay isang malaking tulong kontra pulmonya 'pag nagawi sa Baguio o Tagaytay. Hindi hamak na 100 levels higher ito sa free Jacket ni Kuya Willie Revillame ng Wil Time Big Time.

Gusto ko nito... My 1st memorabilia if ever... Help me get one!

Bet ko ang Green na Askal with a PussyCat design...

Again, visit and like on FB:


Sa ganitong paraan nawa'y matupad ang aking munting hiling ngayon 2013. 
Ang magkaroon ng Scarf na Sosyal.


Paandar Meals: Iskwater Version

Ikaw ay wala sa pahina ng isang Food Blogger.

Ang ilan sa mga sumusunod ay serye ng ilang pangmayamang salo-salo mula sa tahanan ng isang bonafide iskwater. Ayon sa aking interbyu, ninais lamang nilang maki-yum yum yum dahil lagi raw trending ang mga pictures ng mga paandar meals sa mga social networking sites na kanilang nabibisita sa tuwing online sila sa kompyuter shop. 

Sa pagdaan ng kapaskuhan bago ang pagsalubong ng bagong taon, mula sa mga nalikom na amuyong sa mga kakilalang may generous na heart to share, naambunan ang pamilyang salat ng kakayanang makaluwag-luwag at makabili ng mga pagkaing visually appetizing at sumptuous na rin.

Halina't magbigay sulyap sa ilang A for effort nilang paghahanda.


December 26 Lunch - Pansinin ang dilaw na tsinelas na hindi nagawang maikubli.

December 28 Lunch - Sosyal at carpeted naman pala ngunit pansinin ang pulang dust pan. Diwalis ang Carpet? Wala na bang blue plates?

December 30 Lunch - Gaano man kasarap ang nasa hapag, mahalagang ang kanin ay walang tutong.

Mukhang sila ay nawili at sa loob lamang ng isang buwan ay naka tatlong paandar meals. Aminado ang gipit na pamilyang ito na hindi ito nangyayari ng madalas maliban na lamang kung maraming nauwing take out from a handaan.

Hiling ko lamang ay ma-sustain nila ito.

Ayon mismo sa isa sa mga members of this low class family, sila ay labis na nasiyahan sa minsanang masasarap na pagkain sa kanilang mesa. Sa labis na katuwaan, ngayon ay may masidhing pag-aasam na sana sa pagdating ng 2013, maging madalas ang ganitong datingan ng pagkain sa small but uber masayahing family nila.

Hindi raw maipaliwanag ang nadamang saya ng pamilya kung kaya't bago pa man lantakan ang mga fudams, siyempre, piktyur-piktyur muna upang ma-i-post agad sa FB. 

Ang lagay ba eh mga upper class lang ang may 'K'?


I wish this family to have more this coming new year. 
More food on their table.
More FB posts of their paandar meals na hindi lang 3 times a month kundi 3 times a day.
More family lunch bonding.
More hope.
More happiness.

Happy New Year everyone at please...

Huwag tayong magpaputok lalo na sa harap ng mga kabataan.
Hindi ito magandang halimbawa!

Kasasabi ko lang... Tsk... Tsk... Tsk...








Iskwater Holidays


Mapalad ang mga kapuspalad sa mga panahong tulad ng pasko at bagong taon dahil sila ang may mga pinakapayak at least complicated thoughts on how to perfectly celebrate the season. 

It's all about asking from others lang ang style at maitatawid na ng bongga ang Pasko at ang Bagong Taon.

Maliban sa over pouring blessings courtesy of sympathy gifts from nakakaluwag-luwag family and friends, silang mga less fortunates ang primary beneficiaries ng mga charities and generous strangers.

Ang Christmas season ang perfect time to make buraot without judgement in return dahil sharing and giving ang tunay na diwa nito.

Hanggang kelan? 

Walang kasiguraduhan.  Basta ang sure, peak season talaga ang December para sa mga salat at gipit na kinalimutan na ang mga pangarap na umahon at makawala sa kanilang buhay sa looban. Silang nasanay na sa 'isang kahig, isang tuka' workout. 

Habang ang ilan ay guilty sa pagkasira ng kanilang diet dahil sa series of sumptuous meals during the yuletide, ang mga habag naman ay on their happiest dahil uber madalang sa everyday life ang multiple ulam sa isang chibugan with matching desserts and colored drinks. 

Sila ba ay nakakaawa?

Hindi. Kahit itanong pa sa kanila. Iba ang nakasanayan. Wala silang idea about ranting dahil hindi pa nila nagamit ang salitang ito in a sentence. Hindi naman sa satisfied na sila sa ganitong set up pero unlike middle class, upper middle class at super duper upper class, they do not complain a lot sa sitwasyon nila sa buhay. Wala silang maraming problema dahil kalam lang ng sikmura ang pangunahing pangangailangan nila. 'Pag may lafang, solb na!

Wala man silang pagmamay-ari na gaya ng ilan, lamang naman sila sa chillax moments dahil sobrang gaan talaga ang take nila sa life. Kung sila ang tatanungin kung okay sila, pati kahulugan ng pagiging okay ay payak lamang for them. They do not have too much worries. Wala silang pakiaalam sa Sin Tax o RH Bill. Again, hapag lang nila ang main concern nila.

Ang tanging yaman na mayroon sila ay Pag-asa.

Simple lang naman, ang mga maralita ay patuloy na umaasang ang hirap na mayroon sila ay mapawi sa pamamagitan ng dasal at himala. They are not into organizing and planning so sakto lang kung ano ang nasa kasalukuyan. 

Silang may motto na 'Bahala na si Batman...'.

Nakakainngit sila noh? 

Nakakainggit kami...

***

Adik sa Bato... Ano Ba 'to? Ano Bato?

Ang pahinang ito ay pagbibigay galang sa kaadikan...



May kilala ka bang adik? Marami sila sa looban...

Sila ang mga taong may masidhing pagkahumaling sa isang bagay o gawain. Hindi maganda ang maging adik lalo na sa ipinagbabawal na gamot o sa karahasan. Ito ay krimen. 

May ilan, lulong sa iba't-ibang kinaaadikan ngunit walang batas na nagpaparusa sa mga ito. Halimbawa na lamang ang mga alcoholics, shopaholics at workaholics. Hindi man bawal ang mga kaadikang ito, masama pa rin sa katawan.

Isa lang yata ang aking alam na bagamat maituturing na isang kapaki-pakinabang na kaadikan, maganda ang dulot  nito at pwedeng pagkakitaan. 

Ito ay ang pagtutulak ng bato... You heard me right - BATO!

Oooooppppsssss... Siyempre may catch! 

This Bato does not pertain to crystalline hydro-chloride or also known as amphetamine. Mas simple - Shabu. It's not that!

I am referring to Gemstones. Ito ay ang mga precious at kakaibang bato na maliban sa pwedeng accessories, may mga kung anung dala silang swerte sa mga taong may pinagdadaanan. You can name any struggles and for sure, may karampatang batong maaari mong maging gabay at susi na rin for more positive vibes.

To cut the story short, ang entry na ito ay paid post. My first ever so I need support from the entire universe.

Ang aking kaibigang street smart ay nagpasyang tahakin ang mabatong sideline. Bilang siya ay matagal na ring kolektor ng mga mamahaling Emma Stones, nang siya'y makapag-asawa at magkaanak ay naiisip niyang pagkakitaan ang paggawa ng Jewelry made up of again, stones. Ang business na ito ay tinawag nilang, ANO BATO GEMSTONES. See? Name pa lang ay catchy at pang-street smart talaga.

Mangyari po lamang na ating bisitahin ang kanilang ANO BATO GEMSTONES Facebook Page, i-Like at ipagkalat just like chismis upang dumami pa ang nakakaalam.

Let's chekkidawt ang ilan sa kanilang mga best products...


ROSE QUARTZ
Known to bring prospects of Love, as it helps promote trust, and harmony into any relationship. It's main mode of action is about bringing kindness, patience and gentleness. 

Rose Quartz is a good stone for partnerships, friendship, and business ventures. In the past, the ancients used to rest stone quartz in spring water overnight and use it to wash their face for a younger, more rejuvenated skin.



SAPPHIRE
Known as the "Stone of Destiny", it was closely associated to God and other beings of the Higher Plane. It is a stone of Prophetic Wisdom and Divine Guidance. Sapphires work within the immediate vicinity of the wearer, and focuses it's positive work even if the recipient and the wearer do not touch each other. They increase the ability to communicate, release deppressive moods, brings calmness, mental clarity and peace.

As a stone of God, Sapphires are known to induce financial stability, and the stone taps into our inner desires, and guides us towards reaching this stage.


PERIDOT
Worn by Egyptian priests as a guard against the jealousy of the Pharaoh's power, the Peridot, or Faradat is a strong stone used to protect young love from dark emotions such as Jealousy, Depression and Anxiety.
As a green stone, it is strongly associated with good Luck and Money but one unique ability of this stone, is the ability to aid in searches and researches - for answers, results and Lost Items. 

Grabe naman, nakaka-nosebleed ang ibig ipakahulugan ng mga batong ito...

There's more...

GARNET
Garnet is a stone of confidence, and is used in besting problems that appear or feel overwhelming.  It was used in the past to bless warriors before going into battle, used to provide courage and protection.

It is a stone that guards and offers a path to success, so take a hold of one and start your journey to victory!


 

BLOODSTONE
Good health is what this stone shares, shifting from an over-all promoter to localized healing depending on the status of your body. This stone specializes in healing diseases, curing illnesses, detoxifying the body and neutralizes poisons. This stone also strengthens the immune system.


AMETHYST
Are you the type to get drunk in a party even before the real fun begins? Want to attain a higher level of maturity, a deeper sense of calm and a laid-back attitude towards life?

Amethyst is called the "Sobriety Stone" for a lot of reasons: it helps with addictions by working with your inner sense of need, eliminating agitation and creating a secure environment within yourself. Try this one if you want to improve how you deal with arguments, and loosen up if you're in a tight strung world. 

CARNELIAN
Carnelian is a stone of the physical world, used to give energy for physical activities, calm tempers, promotes positive life choices. It is essentially a stone that allows you as the wearer to enjoy more of life. From waking up and moving all around, to conversing and communicating with the people around you, the confidence to be happy for what you look like, how you look and where you are, up 'til banishing any negativity that may ruin your day. 


***

For more info, please don't forget to visit and like their Facebook page.Isang malaking tulong at utang na loob. Napapanahon ang mga batong ito since Happy New Year... Simulan natin at salubungin ang bagong taon nang may panabagong approach... diba?


Maraming Salamat mga Ka-Iskwater!!! 

Sakto Lang


Paikot-ikot lang ang takbo ng buhay.

Paulit-ulit... 
Nakakatanga...

Ang araw sisikat, lulubog muli.
Bukas, ganun na naman.
Uulan, titila.
Sobrang init, lalamig.

Sa pag-iyak, pagtahan.
Isang ngiti, bukas dalamhati.
Bugso ng damdamin, lilipas din.
May simula, may pamamaalam.

Hapag na sagana, nauubos.
Mabubusog... Magugutom...
May katapusan bawat uhaw.
Kalam ng sikmura, malalampasan.

Pagtakbo, may hangganan.
Babalik sa pinanggalingan, malayo man ang napuntahan.
Mga maliksing galaw, may pagkapagod.
Kahit anung kilos, may paghinto.

Kung hindi ngayon, bukas o kaya'y sa makalawa.
Hindi aalis ang pag-asa, hindi titigil umasa.
Sa hindi pagdating, palagiang maghintay.
Kung hindi makita, maglakbay at maghanap.

Ang buhay ba ay maikli o mahaba?
Maraming nangyayari, may gusto pa.
Pasasalamat para sa mga maligaya.
Sa kung ano ang kulang, hiling pa.

Mangyayari at matatapos.
Makakalimot at magiging abala.
May kung anung bagong matitikman.
Masasarapan... mapagsasawaan...

Masasabing may lalim, sa iba ay mababaw.
Mapalad kung sa karamihan, sakto lang.

Quantity Not Quality

Always go for Quantity over Quality.
Bakit?
Maiba lang.
Dapat laging iba.
Don't play safe. 
Be life's mission to challenge what the majority wants. 
Hindi lang sunod sa agos. 
People would sometimes ask why.
Hindi kailangang magpaliwanag.
Wala ng pakialaman.
Prefer quantity at hindi quality.
Sa totoo lang.

Sa hapag, mas maraming kain, mas busog.
Mas maraming mahirap, mas maraming gutom.
Sa kalam ng sikmura, lahat katalo na.
Walang Iskwater na mapili at maselan.
Bakit mas papahalagahan ang quality ng food kung walang ibang available?

Sa pamilya, 'pag isang dosena, happy!
Mas magaan ang gawaing bahay.
Mas maraming katuwang sa buhay.
Mas kabog ang everyday party.
Nga-nga ang kaunting headcount sa household, family planning pa?

Sa blog comments, mas marami, mas kagana-gana.
Feeling magaling na writer ka.
Mas maraming page views, mas sikat.
'Pag mas sikat, mas pinakikinggan at mas ginagaya.
Why bother if the comments are well thought? 

Sa pera, ang mas mayaman, mas powerful.
Mas maraming gawa sa araw-araw.
Mas marami ang pwedeng mapuntahan.
Mas marami ang pedeng maging kaibigan.
Kailangan bang mas maging mapili sa kaibigan kung ang tunay na laban ay gamitan?